Shattered Memories - Chapter 17

8.8K 365 23
                                    

Chapter Seventeen

"She's no one," he answered in a cold tone.

"Kilala ko ba siya?" puno ng kuryosidad na tanong ni Ishi sa katabi. Pansin niyang tila nag-iba ang timpla ng kaniyang kasama nang makita ang babaeng iyon sa grocery store kanina. Parang umiiwas din ito, naisip din niyang baka siya ang iniiiwas ni Robert sa taong iyon. Nakapagtataka.

Nakatuon lamang ang tingin ni Robert sa kalsada, hindi lumilingon sa kaniyang misis. "I told you. She's no one."

Her lips twitched its corner. "Hmm... you told me that you won't lie about my past either. Sino ba kasi 'yun? Bakit ayaw mong sabihin kung sino? Siya ba 'yung kabit mo?" prangkang aniya habang sumisipsip sa canned drink na binili nila kanina.

He took a deep breath and sighed. "Okay," malumanay ngunit may diin nitong sabi. "She's Ella, my other woman. But that was before, wala ng namamagitan sa aming dalawa ngayon."

"Oh," tanging bulalas ni Ishi sa isinagot ng asawa.

They shared silence. Awkward silent, Robert told himself. "Bakit natahimik ka?" Nasa harapan na sila ng trangkahan ng mansion at kasalukuyang pinagbubuksan ng mga guwardiya. "Please don't be mad. Matagal na kaming tapos ni Ella, siya lang ang nagpupumilit na magbalikan kami. Don't mind her, I am fully devoted to you now."

Kumibit-balikat lamang si Ishi. "I don't really give a f-ck, Robert. I'm thinking of my ice cream. You promised you'll buy me another one."

"Magtanghalian ka muna. Eating ice cream with an empty stomach is bad. Saka bumili rin ako ng hotdog sandwiches. Kainin mo rin 'yon."

"Opo, Dr. Alcazaren." Nginitian niya ang asawa. Para kasi itong nanay.

* * *

Nakayari nang mananghalian si Ishi. At tulad ng ipinangako ni Robert, bumili ito ng ice cream para sa kaniya. "Tahimik ka pa rin," untag nito sa pagitan ng pagkain nila ng kanilang desert. Tila naninibago si Robert sa katahimikan nito. He is seriously wondering what's inside her beautiful mind.

Sumimangot si Ishi. "Tahimik naman talaga ako. Madaldal ba ako bago ako maaksidente?"

He laughed a little. "Madaldal ka. Madaldal ka naman talaga Ishi. Nagiging tahimik ka lang naman kapag may iniisip ka. Ano ba ang iniisip mo, si Ella ba?"

"So wala akong isip kapag madaldal ako?"

His smile widened, exposing his nice set of very white teeth. "Hindi naman sa gan'un, masaya ka lang kapag madaldal ka. Napansin ko lang kasi, usually you're more silent when you don't feel good or just thinking."

Yumuko si Ishi sa kinakain niya. "I'm just thinking... if..."

"If?" tuloy ni Robert na puno ng antisipasyon.

She looked up to meet his eyes hazel eyes. "If you think that's she's prettier than me. You know. I saw her, she's quite pretty. But I think I am prettier. I wonder if you think that way too."

Ngumiti ito ng maliit. Nahimigan nito ang insekyuridad sa boses ng babae. "Siyempre mas maganda ka. Kaya nga ikaw ang pinakasalan ko, hindi siya."

Ishi couldn't help but sneer. "Eh alam mo naman palang mas maganda ako pero ipinagpalit mo pa ako sa kaniya." Tiyak niyang nambobola lang ito. Maybe to make her feel good or just simply trying to flatter her. Dahil nakita niya ang babae, kung anu-ano na tuloy ang maduduming ideya na pumapasok sa isip niya. Maybe they go on secret dates a lot. Siguro ilang beses na ring silang naghalikan... nagkatikiman. Bigla niyang naalala si Delvert. Naisip niyang siguro ay madalas ding makipagtalik si Robert sa Ella na iyon tulad ng ginagawa niya sa dating nobyo. The thought of two men sharing on her body disgusted her. Kung maaari lang sana ay si Delvert na lang ang lalaking makakaniig niya gabi-gabi. But she doesn't live in that world, does she? Nabubuhay siya sa mundong si Robert ang legal niyang asawa. A surgeon type of doctor, a drug dealer, a bad man... Higit sa lahat, isang lalaking may kabit.

"I like her actually, mas sweet siya sa'yo. And I couldn't get that much sweetness from you. Mataray ka at suplada lalo na kapag pagod ka sa trabaho. Ni hindi mo nga ako makuhang lambingin. I only sought for that affection, and I got it from Ella. Sa kaniya ko naramdaman ang mga pagkukulang mo sa akin bilang asawa. Nagkaroon kami ng isang bawal na relasyon, hanggang sa mahuli mo kami. Then you were fuming mad and you moronically stopped in the middle of the road and get yourself hit by a car. Alam mong may sasakyan pero ni hindi ka tumakbo, it was your intention to be hit---"

"Wow!" bulalas niya. "So ipinapalabas mo na ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nagka-amnesia at nakunan? Na sinadya ko 'yon?!"

Hinawakan siya ni Robert sa magkabilang balikat na para bang gusto siya nitong pakalmahin. "Totoo ang sinasabi ko na ikaw mismo ang huminto sa gitna ng kalsada na 'yon. Pero hindi ko isinisisi sa'yo ang kahit ano. I know, kung hindi ka nagalit hindi mo naman gagawin 'yon. Hindi ka sana nasaktan. I was an asshole that day. Tumawag ka sa akin noon para magkita tayo dahil may mahalaga kang sasabihin. Napakalaki kong gago dahil iniiwasan ko ang mga tawag mo at nang sagutin ko iyon, agad ko ring tinapos. That day, you were supposed to tell me that you're having our baby. But instead, you caught me and Ella at a restaurant."

"Did I really stopped in the middle of the road even though I knew that there's a speeding car? I am not that stupid Robert!"

"Unfortunately, you did. Huminto ka. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong pumasok sa isip mo no'ng araw na 'yon. Basta ang alam ko ay nasaktan kita... ng sobra."

Inalis niya ang mga kamay ni Robert na nakapatong sa kaniyang mga balikat. "No! Fuck off Robert! 'Wag mo 'kong ginagago! Hindi ako tanga para magpasagasa!"

"Goddamnt it Ishi!" he hissed. "Wala akong sinasabing tanga ka. I'm just saying the truth. Even your old friends know that. You can ask your friend Joyce! Hindi ba't kaibigan mo 'yon? She works in the coffee shop near the hospital. I swear, hindi ako nagsisinungaling sa'yo. God knows how much I want you to remember what happened in the past... in our past! Kahit may kapalit iyon, Ishi. Kahit salubungin ko pa ang mala-bagyong galit mo sa akin, tatanggapin ko iyon."

"Totoo ba talaga? Na huminto ako sa gitna ng kalsada?"

"Yes. I swear that in all honesty, if that's what you really want to know."

She gasped unbelievingly. "Motherf-cker! I'm a motherf-ckin' idiot Robert!"

Robert hushed her. "'Wag mo na 'yon masyadong isipin. You were not yourself, hindi ka lang siguro nakakapag-isip ng maayos that time kaya nangyari ang insidenteng iyon."

Naglandas ang mga luha sa pisngi niya. "Kasalanan ko naman pala..." Hindi niya napigilang mapaiyak, the innoncent baby had nothing to do with her stupidity and her anger towards Robert. She's too stupid! She told herself. Impit na napatili siya nang kumirot ng labis ang kaniyang ulo. Blurry images of her past rushed through her mind like water exploding from a shattered container, but she couldn't fully comprehend what it means.

Panic was evident in Robert's eyes. "T-Teka, I'll get your medicine. Beth!" tawag nito sa katulong. "Magdala ka rito ng isang baso ng tubig para kay Ishi! Bilisan mo!" He quickly ran upstairs to get her meds. Nagmamadali rin siyang bumaba at inalalayan ang asawa sa pag-inom ng gamot. "Hey, easy... easy," he whispered trying to calm her thoughts. "Just don't think about it too much."

Naibsan naman ang sakit sa ulo ni Ishi. She ended up having tears welling up on her eyes. Somehow, she felt really hurt deep inside without clearly not knowing why. Pinatulog muna siya ni Robert sa kanilang kuwarto. Mabilis din naman siyang naidlip dahil may pampakalma nga ang gamot na kaniyang ininom. Nanatiling nakabantay si Robert sa kaniyang asawa kahit mahigit dalawang oras na itong natutulog. He just couldn't leave her. Natatakot siyang baka kung ano ang mangyari rito. It was silly, because she was just having a sever headache. Sever headache, paalala niya pang muli sa sarili. Ngunit bilang doktor alam niyang may malaking misteryoso sa utak ni Ishi na nangyayari ngayon. Tulad ng ng sabi ni Eddie, her brain has been fully healed since the accident happened. But her memories weren't restored. Alam ni Robert na hindi mapapahiyaw sa sakit ng ulo ang kaniyang asawa kung walang kakaibang nagaganap sa isip nito.

Then she opened her eyes like she was surprised of something. "I-I think I remember," she whispered, slowly turning to his cheating husband.


Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now