CHAPTER 28.3: HE'S A 'G'

1.9K 43 37
                                    

CHAPTER 28.3: HE'S A 'G'

PATRICE'S POV

It's already 10 PM pero hindi ko pa rin nakakausap ng matino si Tyrone. Hindi ko pa rin naibibigay yung pinaghirapan kong regalo sa kanya. T^T Nandito ako sa kitchen ng bahay niya. Ang lamig na sa labas kaya sumama na ako nung niyaya ako ni Martin na pumasok. Currently, I'm also drinking my liquor in a red plastic cup. Hindi pa rin humahupa yung dami ng tao dito sa party. Wala yatang mga kapaguran 'tong mga 'toh. (=____=)

"Arghh! Nakita rin kita!" biglang dumating si Aira. Oh, bakit mag-isa na lang 'toh? Nasaan na si Charisse?

"Oh, bakit mag-isa ka lang? Where's Cha?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya yung inumin ko at sya yung umubos. Nag-refill din naman sya kasi kahit dito sa kitchen ay may liquor dispenser. Astig noh?

"Ewan ko dun. May nakitang pogi." sabi niya. At least one of us is enjoying the party. Charisse talaga. Hehe.

"Eh ikaw? Nasaan si Rick?" tanong ko sa kanya. Type niya si Rick eh.

"Sus, may kasamang mga babae. Di ko na sya crush." sabi ni Aira at uminom ulit. Sabi na eh.

Sumandal na lang ako sa balikat niya. Nakakapagod rin pala 'toh kahit wala akong ginagawa. Nakatunganga lang ako at tumitingin dito sa mga taong di ko naman kilala na nagsasaya sa party. Haaaayyy. Mabuti pa sila. Samantalang ako itong girlfriend ng may birthday, mag-isa dito. Bwiset na lalaki. Inuna pa yung ex-girlfriend niya. Geez. ><

"Where's Tyrone? Bakit mag-isa ka lang?" Aira asked me. Inalis ko yung pagkakasandal sa shoulders niya at ready ng ikwento yung mga nangyari kanina nang bigla namang dumating si Faye. Yun oh, speaking of the angel...

"FAYE? (O_O)" Hindi ako ang nagsabi niyan. Sa maniwala kayo o sa hindi, si Aira ang nagulat nung makita niya si Faye. Napatingin agad ako kay Aira.

"You two know each other?" I pointed them out. Bigla namang tumakbo si Aira kay Faye at nag-yakapan ang dalawa. Okay. What's going on? (~__~)?

"Faye! Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa nakabalik? May pasalubong ba ako? Grabe! Ilang taon ka lang sa States kinalimutan mo na ako!" Ang ingay ni Aira di na ako makasingit. Si Faye naman, mukhang masayang masaya din na makita sya.

"Wait, Aira. Kilala mo si Patrice?" hindi sinagot ni Faye yung mga tanong ni Aira, instead tinuro niya ako. Lumingon naman sa akin si Aira.

"Bakit? Kilala mo din sya? Hey, Pat. Kilala mo si Faye?" Aira said with a confused look.

"Hehe. Kanina lang kami nagkakilala. Dito sa party." I told her. I faced Faye. She smiled at me.

"We're cousins." sabi ni Faye sa akin. Sya na ang sumagot ng tanong ko, si Aira ba naman masyadong na-excite makita si Faye.

Loving a 'G'Where stories live. Discover now