Chapter 31 - Near End: Midnight

529 19 2
                                    

--- Erwin's POV ---

"Hindi pa siya nagigising. Ano ba ang kailangan mo dito?" Kilala ko ang boses na ito, hindi ako maaring magkamali dahil magkasama na kami simula noong bata ako. Pero bakit parang galit siya?

"Narito ako dahil may importante akong sasabihin sa kaniya. At gising na siya." Sabi ng lalake na namumukhaan ko pero hindi ko maalala kung saan ko narinig ang boses na iyon. Pero bakit niya ako kailanga. Teka, medyo assuming lang ako.

Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero parang may mabigat na bagay sa aking mga mata at masakit lahat ang aking katawan lalo na ang pag hinga ko. Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi ko matandaan kong bakit ako narito ngayon sa. . . . . . . . nasan pala ako ngayon? At higit sa lahat hindi ko mabuksan ang mga mata ko.

"Ang kulit mong lalake ka!" Sabi ng pamilyar na babaeng boses. Sigurado ako na si Asis iyon, pero sino ang kausap niya at parang galit na galit siya? Sinubukan ko ulit buksan ang mga mata ko pero parang may pumipigil talaga sa pagbukas nito. Sinubukan ko din galawin ang mga kamay ko. Nagagalaw ko naman ang mga ito pero masakit na parang gusto ko patunugin ang mga buto ko.

"See? Gising na ang leader ng mga Shadows. Ah, sorry, wala na pala ang mga Shadow kayo nalang natitira sa kanila." Sabi ng lalake na nagpamulagat sa akin sa gulat. Napatayo ako ng wala sa oras at nang makatayo ako at nakita ang nasa paligid, nakita ko si Asis at ang lalake na ang pagkakaalala ko ay Spence ang pangalan. Pero dahil sa biglaan kong pagbangon at pag mulat ay sumakit agad ang mga mata ko, nahilo ako, at lumabas lahat ng sakit ng katawan ko na parang inikutan ako ng pison at tsaka pinalobo ulit.

"Sabi sayo gising na ang lalakeng iyan eh." Inalalayan naman ako ng dalawang tao dito sa loob ng kuwarto ng isang babae? Lahat ng gamit dito ay kulay pink at may mga parang dolls and figurines na sikat na sikat sa bansa. Seryoso? Nakita ko din ang kumot at unan na ginagamit ko na parang may kung anong klaseng pusa ang naka print doon.

"Dahan-dahan ka lang. Isang buwan kang na-coma." Teka, isang buwan?

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Asis na sinusubukan paalisin si Spence sa kuwarto. Tumingin sa akin si Asis na parang malungkot. Tinignan lang ni Spence si Asis at umalis na ito ng kuwarto.

Umupo si Asis sa may paanan ng kama at parang malungkot siya. May nangyaring masama sa loob ng isang buwan na tulog ako.

"Nakita ka namin na walang malay sa huling assignment natin. At dahil sa dami ng bali ng buto mo sa iyong dibdib ay napilitan kaming ilagay ka sa coma para maka recover ka ng maayos habang inaayos namin ang katawan mo dahil hindi lang iyon ang bali na natamo mo. Bali ang dalawa mong kamay at ang iyong kaliwang binti." Sabi niya sa akin at tinignan ko ang mga kamay ko pero parang maayos naman, masakit lang ang aking mga laman at mahirap huminga. Kaya pala.

"Lahat ng mga 'Failed Experiment' ay patay na dahil sa matandang iyon. Pati narin ang karamihan sa mga Shadows ay patay narin dahil sa mga batang halimaw na iyon." At inisa-isa niya ang mga namatay sa harap ko. ". . . . . At kasama narin ang batang si Ricken. Pero hindi namin mahanap ang kaniyang katawan." Mas lalo ako nanlumo dahil sa higit kumulang na nasa tatlong daang katao ang kasamahan sa Shadows ay anim nalang ang natira.

"Basically, wala na ang Shadows?" Tanong ko sa kaniya. Umiling siya, sabi niya ay puwede naman maging Shadows parin ang mga natira pero, ang pangalan na Shadows ay parang sira na. Tama ang sinabi niya, sira na ang pangalan ng Shadows sa underground world at dahil sa marami ang namatay na, ay panigurado na wala nang sasama sa amin.

Bigla ko naalala si Alex. "Where is Alex!" sigaw ko sa kaniya sabay hablot ng kaniyang magkabilang balikat, walang alintana sa mga sakit na naramdaman ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "ASIS! TELL ME WHERE IS ALEX!" sigaw ko sa kaniya. Nakita ko na nasasaktan na siya sa ginagawa ko at nang makita ko ang pagkakahawak ko ay sobrang higpit na pala nito at namumula na ang kaniyang balat. Binitawan ko ito at tsaka humingi ng paumanhin. Umiling lang siya at yumuko.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon