Chapter 30 - Secret Meeting

520 18 7
                                    

Guys! I have a new FB Page, just click on the external link para ma like niyo. Pa support nalang po. Maraming Salamat.

---- Third Person's POV ----

Sa isang lugar na kung saan maraming puno ay may isang maliit na kubo at may mga ilang gamit na nakasabit sa mga pader nito. Maayos ang mga halaman na naroon at halatang inaalagaan. Malamig ang simoy ng hangin. Sa loob ng kubo na iyon ay may dalawang tao na nag-uusap. Ang isa ay may mala ube na buhok at mata. May isang maliit na pakpak din ito ng paniki pero hindi niya alintana iyon at patuloy lang siya sa pag-inom ng kanyang tsaa.

Ang isa naman ay isang babae rin na maliit ang pangangatawan at may mala bughaw na puti na buhok at nakasuot ito ng isang puting bestida na kung saan ay may parang linya na asul sa mga gilid nito. Umiinom din ito ng tsaa. Ang loob ng kubo ay maaliwalas dahil sa natural na ilaw galing sa labas. Malinis din ito. Ang kakaiba nga lang ay ang mga salamin na nakapalibot sa mga pader na may iba't-ibang hugis at laki.

"Malapit na tayo makauwi." Sabi ng babae na may ube na buhok. Hindi lang nagsalita ang isa pang babae bagkus at tumingin lamang siya sa kanyang bandang kaliwa.

"Mabuti at nailigtas mo pa ang batang iyan?" Sabi niya at tumingin siya sa isang lalake na nakahiga sa may kamang puti na gawa sa mga dahon.

"Hindi pa siya puwede mamatay dahil hindi pa nakukuha ni ________ ang kaniyang ala-ala." Bigkas ng babae na may parang pakpak ng paniki.

May kunting katahimikan sa kanilang dalawa. Ang ingay lang na maririnig sa paligid ay ang mga nagsasayawan na sanga ng mga puno at mga kumakantang ibon sa paligid. Umiinom lang ang dalawa ng tahimik ng kanilang tsaa. Hindi katagalan ay may narinig silang dalawa na parang pagaspas ng mga pakpak. At may pumasok na isang matangkad na lalake na may itim na buhok.

"Walang sumunod sayo Spence?" Sabi ng babae na may pakpak ng paniki sa bagong dating na si Spence.

"Wag ka mag-alala, walang nakasunod sa akin." Sabi nito sa kanila at umupo ito sa gitna ng dalawa. Tumingin ito papunta sa lalake na nakahiga sa may kama. "Magiging maayos ba ang batang iyan?" Sabi niya sa dalawa.

"Tinignan na nila Sol at Luna ang bata na iyan at sabi nila na magiging maayos naman siya."

Tumayo ulit ang babae na may ube ang buhok at lumapit sa bata at umupo sa may gilid ng kama sapat para hawakan ang mukha ng bata na may porcelanang balat at itim na buhok. "Wag ka mag-alala, matutulog ka muna hanggang sa araw na kailanganin ka ulit ng taong may kailangan sayo."

"Myrrh, pupuntahan mo ba ang ating leader?" Sabi ni Spence na parang nagdadalawang isip.

"Sa kaniyang lagay ngayon ay hindi pa niya tayo kayang kontrolin, dahil mismo ang kaniyang sarili ay hindi pa niya kaya hawakan." Sabi ni Myrrh na bumalik ulit sa kinauupuan niya kanina.

"Pero nasa harap na niya ang dalawa sa mga hinahanap niya. Hindi pa ba niya naramdaman iyon?" Sabi ng babae na may asul na buhok.

"Masyadong malakas ang nilagay mong mga lock sa mga parte ng pagkatao ni _________, kaya hindi talaga niya mararamdaman iyon." Paliwanag ni Myrrh sa kaniya na medyo kinatuwa naman ng babae na iyon.

"Nagawa na niya iyon dati, impossible naman na hindi niya magawa iyon dito sa mundo na ito." Paliwanag niya. Hindi na muna kumibo ang dalawa at nanahimik narin naman ang bababe.

Maya-maya pa ay may dumating na dalawang bata sa kubo. Ang isa ay isang lalake na may kulay puti na buhok at asul na mata na nakasuot ng isang puting polo at puting pantalon. Ang isa naman bata ay may puti rin na buhok pero may dilaw na kulay na mata at nakasuot naman ito ng kulay dilaw na mahabang bestida. Nakatli ang mahabang buhok niya na parang pony tail at parehong blank ang kanilang mukha na parang wala lang sa kanila ang lahat.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon