The Beginning - Grey

3.6K 77 18
                                    

----A/N-----

Actually this will be my first time na mag sulat ng author's note dahil sumusubok ako ng bagong style ng pagsusulat, except blogging of course.

Ayan, sana nagustuhan niyo ang mga characters, I leave the imagination to you guys, basta sila Erwin,  Alex at adrian ay mga hotties >_<

Alam na! Don't forget to share and vote ok? Thank you thank you!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Adrian's POV---

Isang babae ang nakikita niya na nakatayo sa isang malawak na kapatagan, nakatingin sa langit. Mahangin at ang sumasabay sa hangin ang mga halaman at ang bulaklak sa pag ihip nito. Nakatingin ang babae sa langit habang ang mahaba at pulang buhok nito ay sumasabay sa hangin.

Kung titignan mong mabuti, hindi siya babae pero isang lalake, isang napakagandang lalake ngumiti ito sa akin at. . . . .

Umaga na pala, hindi ko namalayan. "Ang panaginip nanaman na iyon." ang nasambit ko nalang habang nakatitig sa kisame ng aking tinutuluyan. Maputi ito, at higit sa lahat, walang ilaw na nakabitin.

Tumayo na lamang ako nang nakaramdam ako ng gutom at narinig ko na may tao sa chat room na pinpuntahan ko. Tinignan ko muna ito. May mga naguusap tungkol sa mga bagong estudyante sa paaralan na tinutuluyan nila. At, ang iba sa kanila ay nag-aaral sa paaralan na tinutuluyan ko. "Interesting" at napangiti ako.

Nagtungo ako sa refrigerator, marami ang puweding kainin, pero naisipan ko nalang na mag luto. Kare-Kare? Curry? Steamed Buns? Hmmmmh. Napaisip ako. Nakakita ako na mga mansanas at chocolate doon. Ngumiti nalang ako sa aking naisip.

Nilabas ko muna ang chocolate at dinurog ito sa malilit na part gamit ang aking kamay at kutsilyo, at nilagay ito sa isang ceramic na container, at sinimulang painitin ito. Hanggang sa natunaw na ang chocolate. Kinuha ang apple sa fridge at nilagyan ko ito ng popsickle stick. Sinimulan itong baluitn gamit ang chocoloate.

Natapos na din ako. Medyo marami akong nagawa at hindi ko kaya ang lahat. Naisipan niya na bigyan ang kanyang kapit bahay. Lumapit ako sa computer, tinignan ang isa pang chatroom

*Nel Entered the Chat Room*

Nel: Rusty! You in your room?

Naghintay ako ng ilang sandali pa, pero walang reply. Kaya nag type ako ulit.

Nel: Oii! You never leave your room, so I guess I'll just drop by!

Rust: Ok, just bring some food over, I'm hungry.

Nel: Sure thing!

*Nel logged out of the chat room*

Malapit lng ang unit ni Rust, nasa dulo lang habang ang sa akin naman ay nasa tapat ng elevator. nakarating na ako at binuksan ang kwarto niya. Tulad parin ng dati, madilim dito at makalat. Ilaw lang ng computer ang makikita mo. Andoon si Rust na balot na balot ng kumot. Sobrang lamig din.

Binuksan ko ang ilaw para makita ko ang dadaanan ko. "Rust! Bumangon kana dyan! Ito na pagkain mo." Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kaniya. Tumayo siya at nalaglag ang kumot na tumatakip sa kanya. Kahit na walang excercise at hindi lumalabas ng unit niya ay napaka kisig parin ng pangangatawan niya. Marahil narin siguro sa. . . .

Naramdaman ko nalang na may sumampa sa harap ko, siya ang nasa itaas hawak-hawak ang candy apple na ginawa ko. Natawa nalang ko sa position namin. "Ang akward lang po kuya Rust" nakangiting sabi ko.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon