Chapter Four: Eclipse Moves

1.3K 29 6
                                    

---Erwin's POV---

"Alam niyo na ang dapat niyong gawin, hanapin ninyo ang miyembro ng lahat ng grupong iyon. At siguraduhin ninyong malinis ang gagawin ninyo." Nang masabi ko ang lahat ng iyon, umalis na silang lahat. as usual, naiwan si Asis para hintayin ako.

hindi pa ako nakakatayo sa aking kinauupuan, may biglang lumitaw sa harap ko na nakaitim. "Boss, may mga tao na nagpapanggap na tayo." napakunot ako ng nuo dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin. "Ang ibig kong sabihin, may isa nanamang grupo ang lumilitaw sa syudad na ito at ang masama doon ay, ginagamit nila ang pangalan natin."

Impossible, may mga nagpapanggap? napaisip ako ng ilang sandali, ikinumpas ko ng malumanay ang aking kamay upang sabihin sa taong iyon na maari na siyang umalis. At umalis na nga siya. "Sino kaya ang nag pasimula ng ganito?" Yung mga halimaw kaya? O di kaya may iba pang nagpapatakbo sa mga tao rito?

"HOY ERWIN!!!" narinig ko ang pagsigaw ni Asis. Hindi ko namalayan na nawala na ako sa aking mga naiisip. "Alam ko na nabigla ka sa narinig mo." Biglang lumambot ang mukha ni Asis. "Pero, kailangan mo parin ilagay ang iyong cool sa ulo mo." Ikinumpas ni Asis ang kanyang kamay at may mga maliliit na yelo ang lumabas sa ulunan ko at nalaglag ito.

"Sobrang Lamig naman niyan! Napasigaw ako habang tinatanggal ang mga maliliit na piraso ng mga yelo, ang iba ay natunaw narin sa ulo ko na naging dahilan para bumagsak ang aking mga buhok.

Pero parang nakita ko si Asis na namula ang kanyang mga pisngi. "May sakit ka ba Asis?" Bigla kong pinatong ang kamay ko sa kanyang noo.

"wala naman ako lagnat o sakit Erwin." Nasabi nya na parang wala lang. Siguro guni-guni ko lang na namula siya bigla. At tinanggal ko na ang aking kamay. Inaayos ko ang itim kong buhok.

"Oo nga pala, next semester may bago ka nang schedule." Sabi ni Asis habang nag aayos ako ng buhok. 

"Diba lagi naman nababago ang schedule pag bagong semester?"

"Well, pang umaga ka na kasi." Nagulat ako. Kahit kailan ay hindi ako naging morning person kaya ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pag kakaroon ng kung ano mang activity lalong lalo na sa umaga.

"Sa tingin ko nagawa na nila ang dapat nilang gawin diba?" Tumango lamang si Asis para sabihin na nagawa na nila ang lahat. Napabuntong hininga nalang ako. At umalis na kami ni Asis.

Pero habang nag lalakad kami, hindi ko parin maalis sa isip ko ang mga tao na gumagaya at sinisira ang aming pangalan. Napatingin lang sa akin si Asis at napabuntong hininga ako ulit. *hay*

---Adrian's POV---

"Ayon sa mga nakikita niyo at mga nababalitaan niyo sa paligid ay nagsisimula na silang manira at magkalat ng gulo sa sydad na ito." Narinig ko na nagsasalita si Saleh sa aming paboritong tea house na may pag-aari rin sa isa sa mga amin. Pero parang wala pa siya.

"So ito ang naisip ni Adrian na paraan para mapalabas ang dalawa?" Tanong ni Zeth na nakaupo sa may bintana at umiinom ng tsaa. Napaka kalmado parin niya at patuloy parin ang pagbabasa niya ng libro.

"Malalaman natin kung sino ang mga sibilyan sa gulo na mangyayari at para malaman narin natin kung sino ba ang tunay na kalaban." Ang nasabi ko sa kanilang lahat. Walang umimik sa kanilang lahat.

"Alam na natin kung ano ang mangyayari sa mga susunod na hakbang. Tayo parin ang magwawagi." Napangiti lang si Seth. Tulad parin ng dati, sa pag ngiti niya, mararamdaman mo ang bloodlust. Nakakatakot kung hindi mo siya kilala pero, para sa amin, wala lang ang inilabas niya na iyon.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon