Chapter Nineteen: The Battle and The Chase

721 23 4
                                    

--- Third Person's POV ---

Ang apat na nilalang ay nakahanda sa maaring gawing atake ng bawat isa. Si Spence ay tinaas ang kamay na kinaalarma ni Alex at ni Erwin pero hindi nagpatinag si Adrian. Pumitik si Spence sa ere at bigla nalang silang napunta sa isang lugar na walang tao. Walang ingay at higit sa lahat ay sira-sirang lugar.

"Now we can fight to our heart's content here without worrying the other people. And no one can interfere here with us." Sabi ni Spence na may nakakatakot na ngiti sa kanya. Naghanda na si Adrian at parang natutuwa. Nilabas na niya ang kanyang puting pakpak at nilabas niya ang kanyang manipis na espada na parang pang fencing.

Si Alex naman ay pinalawak niya ang kanyang awra na kulay itim hanggang sa makagawa ito ng parang isang pader sa kanyang paligid.

Si Erwin naman ay hinanda narin ang kanyang mga patalim. "Teka, parang lugi ako dito." Sabi niya sa kanyang sarili na hindi maririnig ng tatlo na makakalaban niya.

Hindi naman nagsasalita si Alex pero ramdam niya na kahit papano ay hindi siya magtatagal sa laban na ito.

"You'll be my opponent first!" sabi ni Adrian kay Spence habang nakaturo ang patalim nito kay Spence.

"I will gladly take you on." Sabi nalang ni Spence at bigla nalang ito nawala at ikinagulat ni Adrian na nasa harap na ang lalake at akmang susuntukin na siya nito. Pero sa huling segundo ay nagamit ni Adrian ang kanyang pakpak para sanggain ang suntok ni Spence pero hindi niya napansin na may kasunod na sipa ang ginawang atake ni Spence. Hindi na nagawang makapag depensa si Adrian at natamaan siya ng malakas na sipa at tumilapon siya sa malayo.

"Well, are you two going to kill each other?" Sabi lang ni Spence at bigla nalang siyang nawala at naiwan si Erwin at Alex na nakatingin parin sa isa't-isa na parang naghihintay kung sino ang unag kikilos.

Sa kabilang dulo naman, nakatayo na si Adrian habang hawak-hawak ang kanyang tagilirian dahil sa sakit. Inayos niya ang kanyang sarili. At nang maramdaman niya na malapit na si Spence ay naghanda na rin ulit siya.

Nakita nalang niya na nasa harap na niya si Spence, susuntok na sana si Spence kay Adrian nang biglang umilag si Adrian at aakmang sasaksakin ni Adrian si Spence paharap pero nagawang ilagan iyon ni Spence pero hindi niya nakita na may nakahanda palang mahika si Adrian at natamaan si Spence ng isang mabigat na yelo at dumeretso siya sa lupa.

Hindi na nag aksaya si Adrian ng oras at nagliwanag ang kanyang mga mata "Kaló̱ eséna ton kátocho tou fo̱tós kai tou skótous , Justice ! Ang kanyang sinabi at may malaking magic circle na kulay itim at puti ang lumabas sa kanyang ulunan at kasunud ang isang higanteng babae na nakaupo sa isang pedestal at may hawak na kulay itim na bilog sa kanan at kulay puti naman sa kaliwa. Mayroon itong tela sa kanyang mga mata at may malaking parang gear sa kanyang likod.

Ang Justice na nilabas ni Adrian ay sumugod sa bumabangon na Spence pero hindi bakas sa kanya ang sakit at ang pagod na nararamdaman sa mga ginawang atake ni Adrian. Ang higante ay naglabas ng dalawang malaking bilog sa ere at ang mga bilog na ito ay bumaril ng puti at itim na parang laser at pinatamaan si Spence.

Tumakbo si Spence para maiwasan ang mga pag-atake ng Justice pero masyado marami ang mahika kaya natamaan ito ng ilang beses. Natuwa naman si Adrian sa Nakita. "I won't waste any more time!" Ang sabi niya at nagliwanag naman ng kulay pilak ang mga mata ni Adrian, "Deomai sou o ploíarchos tou várous kai ouranoús , Zeromus !"


Muli may lumabas na magic cirlce sa ulunan ni at may lumabas na higante sa taas nito. Isang kulay itim at lila na kulay na aprang halimaw. May malaking parang bag ito sa likod. Sipit ng sobrang laki sa kaliwa at isang parang mala-halimaw na mga kuko sa kanan. May ulo ito at sungay sa gitna at dalawang gilid. Buntot na may matutulis na parang kutsilyo sa dulo at wala itong paa.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon