Chapter Twenty-one: Learning From Weakness

681 18 0
                                    

--- Erwin's POV ---

"Ano ang nagyari sa laban niyo nung isa pang grupo?" Tanong sa akin ni Ricken na halatang gusto makakuha ng isang impormasyon na bago sa kanya. Ganito ba halos lahat ng mga information dealer? Lagi nalang madaming tanong at gusto malaman ang mga bagay-bagay?

Pero, kung iisipin mo, ako lang ang 'normal' sa apat. Pero, bakit parang interesado ang leader ng Ala Ravus sa isa pang lalake na halatang walang kasama? Bago pa man sila nakatabo nang mabasag ang realidad na iyon, nakita ko na walang malay ang lalakeng iyon at hawak-hawak iyon ng leader ng Ala Ravus.

"Wala akong sinabi sa kanila." Dama ko ang pagka dismaya sa mukha ni Ricken. Lalo na nung nagsabi siya ng isang salita lamang.

"Ah"

Hindi ko siya masisisi dahil ang alam nila at nakita ng dalawang mata nila kung paano ako kumilos sa labanan. At kung gaano ako ka-walang hiya para lang manalo sa isang laban. Papatay ako kaya wala sa akin ang tinatawag nila na 'dignidad' at hindi ko naman iniisip ang bagay na iyon.

"Don't be like that, even without those special powers, natatalo parin ako ni Erwin kahit gamit ko na ang kapangyarihan ko." Sabi ni Asis na pinapagaan ang aking loob.

"Hindi, ok lang iyon Asis. Alam ko na wala tayong laban sa kanila. Halata naman nung huli natin silang nakalaban." Sabi ko sa kanya, at tumingin naman ako kay Ricken. "Pero, ikaw? May nagawa ka ba laban sa Ala Ravus pag dating sa specialty mo?" Wala akong pake kung magalit siya at umalis sa grupo namin. Nagulat lang siya sa tanong ko at napayuko lang siya at bumalik sa pag kalkal ng kanyang smart phone. Kahit hindi niya sa sabihin ay alam kong dismayado siya.

"Alam mo Ricken, ang bawat isa ay may laban. Hindi ko laban iyon dahil wala akong kapangyarihan tulad nila. Ang meron lang sa akin ay ang pagiging tao ko." Tumingin naman siya sa akin na parang naiintindihan naman niya. "At isa pa, hindi ko matatawag na matatalo ko sila dahil hindi naman iyon ang aking specialty." Lumakad ako sa may bintana, "Kung sa assassination lang din naman ang batayan ng laban, panigurado ako na mananalo ako."

At napansin ko nalang sila na parang nanlamig nalang silang dalawa sa tabi ko at ramdam ko sa labas na natigil din ang iba. "Ah, Erwin, yung blood lust mo, lumalabas." Sabi ko at nakita ko si Ricken na namumutla dahil sa takot.

"Sorry." Sabi ko nalang at kahit na nagpapawis ng malamig si Ricken ay umupo nalamang ito at huminga. At may kumatok sa aming pinto.

Binuksan ito ng tao sa labas at nakita ko na nakarating na pala si Jass na suot ang kanyang maikli na parang maong na pantalon na hapit sa kanyang legs at may mga baril sa dalawang paa, ang kanyang pang itaas ay ang normal mo nakikita na maong na blue na jacket at sa loob nito ay isang puti na polo na maluwag. Si Ken naman ay suot ang kanyang itim na fitted pants at ang itim na sando, may belt siya sa kanyang bewang at doon nakalagay ang kanyang katana. Si Patricia na naka pink din as usual na tshirt at may isang anime character doon. Nakasuot din siya ng isang black na maong na three fourts at may nginangata nananama At ang isa pang lalake na sinasamahan ni Ken sa mga assignment niya. Bryan ang pangalan ng lalakeng kasama nila ay nakasuot ng isang Fitted na red pants at may puting loose na tshirt na parang may mantsa na pula at pink sa bandang ibaba nito. Nakababa ang kanyang buhok na natatakpan halos ang dalawang mata nito na sa tingin ko ay kulay brown.

Umupo na silang lahat sa lamesa na nakahanda. "So, why did you call us here boss?" Sabi ni Patricia na tumigil muna sa pagngata ng parang isang cookie na makapal. At bumalik din ulit sa pag kain matapos magtanong.

"I called you here becuase, I want to knwo from Jass and Asis if there is any way we humans can learn magic. I mean, Ken can do Dimensional pockets. So, if there is a way to learn something then I want all the Class A and Class B Assassins in the group to learn it." Paliwanag ko sa kanila.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon