Chapter Twenty Three: The True Meeting of the Origins

638 19 4
                                    

--- Alex's POV ---

"What!?" Bulalas ko sa harap ng isang babae na hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.

"I hate repeating msyelf boy." At inayos niya ang kanyang buhok na maayos naman na at inikot-ikot ang isang dulo nito sa kanyang kamay na parang naglalaro. "It's up to you if you're going to believe it r not." At humarap siya sa akin na parang walang emosyon o sa mas tawag nila sa modernong panahon na ito na 'poker face' "I just told you what you need."

Naglakad na siya papunta sa may pinto namin at wala ni isa sa amin ang pumipigil sa kanya. "I basically betrayed the person whom puts a lot of trust in me." At tumalikod ulit siya sa amin. "So you better decide what you'll gonna do with that information." At naglakad na siya paalis.

Bago pa man siya makaalis ng gate namin ay nakaipon ako ng lakas ng loob para habulin siya sa labas. "Wait!" At huminto naman siya nang marinig niya ang aking boses. "Thank you. I am still at dazed to know the truth. But, I will do what is right." At umalis na siya matapos ang ilang sandali.

Sa lahat ng puwede na maging leader ng Ala Ravus bakit siya pa? Hindi halata sa kanya ang pagigi----teka, nakikita niya ang salamin ni Ashly at Shiela kahit na ginamitan na nila ito ng kanilang kapangyarihan. At higit sa lahat ay bigla nalang siyang nawawala. Hindi ko rin alam ang kaniyang nakaraan. Hindi rin naman ito nagsasalita tungkol dito.

Pero kung siya ang leader ng Ala Ravus, bakit hindi ko naramdaman na siya si Tam-tam nung nagharap-harap kami? Ano pa ba ang tinatago niya?

*

Narito ako ngayon sa park kung saan malapit lang kami nagkita ni Tam-tam nung nakaraan. Tinawagan ko siya kanina para makausap siya, kung puwede siya makausap. Sinabi naman niya na puwede at maghintay nalang dito sa parke na ito.

May ilang minuto din ang lumipas bago ko makita si Tam-tam suot ang kanyang grey na shorts na three-fourths at puting sneakers at pulang t-shirt na kung saan ay madali siyang maka-agaw ng atensyon at nangyayari na nga.

Nang maalala ko na leader siya ng Ala Ravus ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko sa likod ko na nagpapawis ako ng malamig dahil sa takot na kung ano ang puwedeng gawin nito sa akin pag nalaman niya na alam ko na ang kanyang sikreto. Pero kailangan ko malaman mula sa kanya ang katotohanan.

"Yo! What's the catch up?" Tanong sa akin ni Tam-tam habang papalapit siya sa akin ng may ngiti. Teke, hindi ko alam kung kaya ko pa ba ito. Kinakabahan kasi ako. Sasabihin ko ba? itatanong ko ba?

"Uhm, are you alright?" Nanumbalik ako sa kinalalagyan ng katawan ko nang biglang lumapit ang mukha ni Tam-tam sa akin. "Namumutla ka Alex." Sabi niya sa akin.

"Ah, this must be because of the heat." Sabi ko sa kanya at kinuha ang aking panyo at pinunasan ang ibang pawis sa aking noo at sa may tenga. "Hindi pa kasi ako sanay hanggang ngayon sa clima ng bansang ito." Palusot ko sa kanya at parang naniwala naman siya dito.

"So, what are you going to ask me?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko at tumingin lang siya sa kanyang harapan. Tumingin lang ako at may nakita akong dalawang bata na naglalaro. Tinignan ko naman ulit si Tam-tam at nakita ko na parang tuwang-tuwa siya sa kaniyang panunuod. Hindi ako makapaniwala na ang ganitong tao ay magiging leader ng isang organisasyon na pumapatay ng tao para lang makuha ang kanilang gusto.

"Do you know about the war over the underground organizations?" Bahala na, sisimulan ko muna sa malayo para hindi naman ito makahalata agad.

"What kind of underground organizations? Like, Yakuza or Mafia or something?"

"Yes, like that. In this city."

"Well, I do know the Shadows since they are like, 'hey I'm a shadow member, look at this black scarf' thing." Sabi niya sa akin at umarte siya na parang sira ulo at natawa naman ako ng bahagya sa kanyang ginawa. Siya din ay tumawa nang mapansin na tumatawa ako sa kanyang joke. Ang sarap talaga kasama ng taong ito.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon