Chapter Ten: Turning Point

924 27 0
                                    

---Erwin's POV---

Shit naman, bakit sa haba ng panahon ko bilang isang leader, ngayon pa kami nahuli! Dahil sa pagatake nila kagabi, kailangan naman mag doble ingat. Pwede narin iyon kahit papano ay alam namin ang pagkakamali namin.

"Siguro panahon na para gamitin natin ang impluwensya natin." Sabi ng isang assassin sa may bandang harapan ko.

"Hindi, ang kailangan natin ay magsanay para kahit anung halimaw ang makalaban natin ay panigurado na makakaya natin ito."

"Pero, baka hindi lang sila ang gagawa sa atin noon!" Paliwanag naman ng isa, at nag simula na silang magtalo kung ano ang dapat gawin. ito nanaman ba tayo?

"Manahimik nga kayo at kumalma! Wala kayong patutunguhan kung magtatalo kayo at magiinit ang ulo ninyo!" SIgaw ko sa kanila at nanahimik naman silang lahat. "Umayos kayo. Ang una nating gagawin ay maghanap kung saan tayo pwede makag usap ng matino at tahimik. Isang bagong base din ay kailangan. Hindi kailangan dito lang sa lugar na ito, pwede din sa ibang lugar para mas ligtas."

"Pangalawa, dapat tayo mag handa. Tulad ng sabi ko kanina, kailangan natin magsanay ng magsanay para hindi tayo mahuli pagdating sa pagpatay." Paliwanag ko sa kanila.

"At ang sa huli sa ngayon, ay kailangan natin padamihin ang ating numero. Quality over quantity parin ang ating motto pagdating sa pagkuha ng mga miyembro." Hindi na ako nagsalita pa, at agad naman kumilos ang nakakarami sa amin. Ang mga natira lang ay ang mga talagang alam ko na may kaparehong lakas sa akin o mas malakas pa.

"Ano ang gusto niyo gawin?" Tanong ko sa iba.

"Pwede ba ako magbigay ng insight ko boss?" Sabi ni Ken. Siya pala ang nagligtas kay Asis nung ginagawa niya yung bagay na yun mula sa itim na aso. Magaling din siya sa mga assist operation at malinis mag trabaho. Isang hitman bago pa man siya naging assassin dito sa grupo ko. Ano kaya ang ibibigay nito? Kaya tumango naman ako.

"Sa tingin ko boss ay ang target ng mga halimaw na iyon ay ang mga babaeng ito." Sabay turo sa Kay Lenna at Asis na kung saan ay hindi narin sila nagulat sa sinabi ng lalake. "Dahil sa operation natin na hanapin ang batang pumatay sa dalawa nating A-rank assassin, sa tingin ko ay natandaan ng dalawang bata na iyon kung ano ang mukha nila."

May tama din naman siya. "So, ano ang gusto mong gawin?"

Nagisip muna siya ng ilang sandali, "Sa tingin ko ay dapat mag tago muna silang mabuti, dahil narin sa kakulangan natin ng mga matataas na rank na hitman at assassin, mas makakabuti na mag lie low muna sila." Paliwanag ni Ken.

Tinignan ko ang dalawa at wala naman silang angal sa punto na iyon. Kaya sumangayon narin naman ako.

"Kayo na bahala kung ano ang gusto niyo gawin, bastsa tandaan niyo na sabihin niyo kung ano ang ginagawa niyo sa araw-araw." At nang masabi ko iyon ay umalis na silang lahat.

Kahit papano ay naaayos na namin ang grupo namin kahit ilang araw palang ang nakakalipas. Nakakita na kami ng bagong base of operation at nadagdagan na ang aming bilang. Mas malakas na kami ngayon. Hindi narin umaatake ang mga halimaw at nakakakuha na kami ulit ng mga underground jobs.

Pinasama ko narin ang ibang miyembro ko sa mga fake na Shadow para malaman namin mula sa kanila kung sino ang mga leader na tumatayo dito at kung ano ang mga nangyayari sa kanila. 

Habang pauwi ako sa amin, naglalakad ako sa isa sa mga kalye, sakto lang naman ang dilim at may mga ilaw naman, pero wala nga lang tao. Hindi naman sa takot ako, pero may kakaiba akong nararamdaman. Kaya hinanda ko ang sarili ko. Wala naman masama kung magiging alerto ka ehh.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon