Tu Siks ~ Sire Nobody

234 5 2
                                    

Title: Tu Siks (26)

Crush:  Sire Nobody

Dahil balik pasukan na naman.. Gusto kong i-share ang experience ko na 'to sa inyo.

Naranasan nyo na bang magbasa ng isang short story.. Tapos nagkacrush ka na sa taong nagsulat nun? E samantalang di mo pa naman sya nakikita, naamoy, nahahawakan, naririnig o nalalasahan. (Nalalasahan talaga? Hahahaha)

Naranasan mo na bang umiyak sa pamamaalam ng isang taong di mo naman personal na kakilala? Tapos kung umiyak ka sa pag alis nya e hindi ka naman kasama sa pinagpapaalaman nya!

E magkagusto sa teacher mo? Natry mo na ba?

Ako kasi.. Oo.

Ito ang isa na namang kwento ng kalandian ko kaya kumapit ng mahigpit at baka matangay kayo. Haha

Nagsimula ang lahat nung 2006.

Second year hs pa lang ako nun. Isang gabi, nag uwi yung ate ko ng literary folio mula sa university na pinapasukan nya. Bale, college na sya nun. Yung literary folio may lamang mga tula, maikling kwento, sanaysay, poems, short stories at essays. May isa akong kwentong nabasa. Sobrang damang dama ko yung mga karakter sa Short Story na yun kaya naman pagtapos ko basahin, naghanap na ako ng link para malaman kung sino ang writer.

Napag alaman ko na yung nagsulat ng kwento e yung EiC ng Pub. Itatago ko na lang sya sa pangalang.. Waaa. Baka mademanda ako! Ajujujuju T.T Ano.. Uh.. Waaa. Ayoko talaga sabihin name. Sige, itago na lang natin sya sa pangalang..

Nobody.

Mula nun, naging stalker na ako ni 'Nobody'. Haha. Binabasa ko lahat ng sinusulat nya, mapatula, poem, maikling kwento, short story, sanaysay, essay, editorial, opinion, news, etc. Pati nga mga drawing nya alam ko. Haha. Lagi nya pang ginagamit yung first name nya sa mga kwentong ginagawa nya. Kahit ibang pen name pa ang gamit nya, I always knew what he wrote by heart. Ganun katindi connection namin! Haha

Nagkacrush ako sa kanya na hindi ko pa sya nakikita. Okay lang yon, sabi ko.

(2007)

Isang taon ko din sinubaybayan yung mga sinusulat nya. Pero wala akong idea sa kung ano ang htsura nya. Kaya naman nagulat ako nung nakita ko yung centerfold nya sa magazine nila. Ang saya saya ko dahil sa wakas.. May idea na ako kung ano ang mukha nya! Kaso badterp. Yung article pala nun e pamamaalam nya. Bale, aalis na sya sa pub. Meaning di na sya ang EIC. Di na sya magsusulat. Wala na akong aabangan?! Sobrang nadepressed ako dahil dyan. Umiyak tuloy ako habang tinitignan ang picture nya. Amfufu~ Mukha akong tanga, I knw ryt? Hahaha

The CrushedWhere stories live. Discover now