Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD III

205 6 5
                                    

Mr. Torpe

Part III

“Pwede ba kitang maging partner sa prom?”

Tinignan lang nya ako. Parang pinag-isipan talaga nya yung isasagot nya. Kung makapagdesisyon ang bruho akala mo buhay na nya ang nakataya.

Pigil hininga ko kayang hinintay yung sagot nya.

1..

2..

3..

4..

5..

Binalik nya ang tingin sa nilalaro nya. “Okay..”

Imagine kung gaano ako kasaya nung marinig ko yun mula sa kanya. Pumayag sya! May date na akoooooooooooooooooo! PARTY PARTY! Hahahahaha

“Talaga?” Parang iiyak na ako sa saya. Ang pogi ng partner koooooooooo :>

“Edi mag-practice na tayo!” Yaya ko sa kanya. Hindi pa rin ako umalis sa harap nila.

Napatingin sya ulit sa akin. Napataas yung kilay nya nun kung tama ang pagkaka-alala ko.“Practice?” tanong nya pa ulit.

“Oo.. Para sa cotillion.”

“Ayoko sumayaw..”

Gumuho ulit ang mundo ko pag karinig ko nyan. Leche. Nandun na e. Date ko na e. Ayaw pang sumayaw? Lanya naman ooooo.

“Sasayaw lang naman e. Sige na.” Pilit ko pa rin. Actually, pangarap ko ring mag-waltz2x sa dance floor. Gusto ko yun. Yung gaya sa ball sa movie ng Enchanted. Waaaaaaaaa. Bwiset naman ‘tong si JD e. Mukhang hindi pa sasakyan ang trip ko.

“Kung partner.. Okay lang. Pero yung sasayaw? Ayoko.”

Grabe. Para na rin akong nabasted. Ang sakit lang e. Sa sobrang sakit.. Napaiyak ako.

As in.. LITERAL akong umiyak sa harap ng mga kaklase ko. For the very first time.. Si Nacha. Umiyak. Sinong mag-aakala nyan? Na dahil sa lintek na JD na ‘to kaya ako ngangawa na parang bata sa harap ng mga kaklase ko.

Tumahimik yung mga kaklase ko. Si JD patuloy sa paglalaro. Wala talagang pakialam ang loko. Linakasan ko pa ang iyak ko. Wahahahaha!

“Grabe. Sasayaw lang naman e. Mahirap ba yun pagbigyan?”

Pumunta ako sa upuan ko saka dun ako ngumawa na parang baka. Hahahahaha. Dinamayan na rin ako ni Dee na hindi ko napansin e nabasted na rin ni Reyl. Nyahaha.

Magkatabi kami sa upuan saka umiyak na parang wala ng bukas. “Waaaaaaaaaaaaaa.”

The CrushedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora