The Crushed

1.5K 13 7
                                    

The Crushed

Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi ko pa nae-experience ang makipag-date. Hindi ko pa naranasan mabigyan ng bulaklak kapag Valentine’s Day. Wala pang nag-abot sa akin ng love letter. Wala pang nanliligaw sa akin kaya hindi ko alam ang feeling ng nililigawan at may nangliligaw.

Hindi naman ako pangit. Magaling din naman ako sa klase. Medyo mataray kung minsan pero mabait ako at masayahin. Marami akong kaibigan. Puro babae halos ang karamihan. Bihira lang ang lalake. Hindi ko kasi sila maintindihan. Ang gulo-gulo nila.

Hindi naman sa man hater ako. Ang totoo nyan, marunong naman akong magka-CRUSH! Pero hindi ako nagkakacrush ng basta-basta. Namimili ako. Naks. Choosy pa e ‘no? Hahahahahahaha E crush na lang nga ang mayroon ako ba’t di ko pa lubusin ang pagpili sa lalakeng hahangaan ko di ba?

Kapag nagkacrush ako, baliw-baliwan to the nth power ang drama ko. As in nakakagawa ako ng mga imposibleng bagay na hindi mo maiisip na magagawa ko kung kilala mo ako, bagay tulad ng pagsusukat ng nobela, pagco-confess, padala ng love letter, pag-iyak sa harap nya, pagpapakasal (?), etc. Nagiging inspired ako dahil sa kanila.

See? Marami silang mga bagay na kayang gawin. Kaya nila akong pakiligin. Kaya nila akong pagulong-gulungin sa excitement. Kaya nila akong papasukin ng maaga o di naman kaya pasulungin sa ulan makita lang anino nila. Desperada lang e. Hahahaha. Pero kung may common things silang kayang gawin sa akin, mayroon din silang isang common na bagay na hindi kayang gawin. Yun ay ang ibalik sa akin ang pagtingin na mayroon ako para sa kanila. Hindi nila ako kayang magustuhan. Hindi nila kayang gawin yun. Mamatay sila kung susubukan nila. Hahahahahahaha. Kaya naman sa huli, ako pa rin ang sawi.

The loser.

 The broken.

The girl who cries.

The crushed.

Trahedya ba?

Basahin mo ang mga kwento ko tapos ikaw na humusga :P

Ipangako mo lang na hindi mo i-kukwento sa iba ha? :)

[Author's Noteeeeeee]

Trahedya ng buhay pag-ibig ni.. Teka. Kaninong kwento na nga 'to? Akin ba? Hahahahahahaha xD Ay ewan. Basta compilation lang. Walang magawa e. 

Originally titled as The Crushed Stories, nakapost 'to sa isa kong account dito pero hindi ko na yun masyadong nadadalaw kaya nilipat ko na lang dito. Wala para may mapaglabasan lang ng mga hinanakit kay Kupido. Malapit na Black Day e. Este Valentine's pala para sa mga nakararami! Mwehehehe. K. Wala lang 'to. Kung trip nyo lang magbasa ng simpleng kalokohan. Go ahead :>

Nacha

The CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon