Summer Grasshopper ~ Kevin II

205 3 6
                                    

Summer Grasshopper II

“Ahh. Owo. Kamukha mo nga yun. Si Mai. Yung ex ni Kevin..” sagot ni Von sa akin.

Syempre nawindang ako sa nalaman ko pero di ko pinahalata.

“Weh?!” Hinampas ko pa sya nun. Hahahaha! Kamukha2x. Sipain ko sya e.

“Akala mo ‘to laging niloloko. Owo nga..”

“Umayos ka Von Japhet sisipain talaga kita.”

“Edi wag ka na lang maniwala..” Nakangiting sabi ni Von saka kumaripas ng takbo palayo sa akin.

Hala. Yung ex kamukha ko? Totoo ba iteey? Naalala ko tuloy bigla yung pagdating namin dito. Yung kararating lang namin tapos nakita namin sila na nagtatago tapos nung napatambay ako sa port na mag-isa tinuturo nila ako while saying.. “Sya yun! Sya yun!”

Kaya ba lagi nya ako kinakausap? Kaya ba pag magkakasama kami sa akin sya kadalasang tumatabi? Kaya ba nung namamangka sila niyaya nya ako? Kaya ba ako lang yung tinetext nya sa amin? Kaya ba hindi sya lumalabas pag nagkukulong ako sa bahay? Kaya ba..

Oh. Sobrang assuming naman ako neto. Hahahahaha xD Pero.. Malay ba natin! E masyadong malihim yung tipaklong e. Halakaaaaa. Kalowka naman talaga.

Nung gabing yun, hindi talaga sya lumapit sa amin. Hindi rin sya nagtext. Sabi ni Kay masakit daw ngipin nya. Wooow. So pag masakit ang ngipin di na pede magtext?

Tss.. Nung sumunod na araw, last day na namin dun. Ayun, nadagdagan pa ang pagka-emo. Ni isa sa amin hindi na nya nilalapitan o kinakausap. Grabe lang e. Hindi na rin sya lumalabas. Oo. Medyo malungkot si Von at Kay kasi nga aalis na kami kinabukasan pero kahit naman ganun pinapansin pa rin nila kami kasi nga hindi na rin lang magtatagal at aalis na kami. Pero si Kevin. Iba talaga.

Edi maghapon walang pansinan..

Nung gabi nung last day namin dun. Tumambay pa rin kami sa port.. Yun nga lang, kami lang. Si Kevin hindi sumama. Greka emo sarap tsinelasin.

>___<

Maya-maya pa, dumating yung mga beki na hindi ko kilala tapos nagyayaya makipag inuman. Hindi man ako drinker. Hahahaha xD Kaso dumating si Kevin. Tapos ang bruho nakisali agad sa inuman. Walanjo! Dyaskeng bata talaga o.

Pinagsabihan ko sila Von na wag sumali.. Kaso si Kay ayaw pa pigil First time daw nya kasi wala naman yung mama nya dun. Si lolo lang. Ang gagong Kevin, tinolerate pa talaga ang ginagawa ng pinsan nya. Si Von na lang tuloy ang pinagalitan ko. Kaso labas lang naman sa kabilang tenga ang mga sermon ko kasi nga ang bruho busy sa kapatid ko. Bwiset talaga.

Nakaupo ako malapit sa mga nag-iinuman. Pero hindi ko masyadong naririnig yung mga pinag-uusapan nila.. Ewan kung tama yung pagkakarinig ko pero parang ganito yun e..

(Seryoso sa pag-inom si Kevin habang si Kay daldal ng daldal.)

“Hoy Kuya tama na yan. Ang torpe mo talaga. Sabihin mo na lang kasi. Iniinom mo pa..”

Ano kaya yung sasabihin? Hahahahahahahahaha. PASENSYA NAMAN! ASSUMING E!

Pero ayown, hanggang natapos na lang ang gabi dehins ako pinansin ni Kevin. Actually wala syang pinansin sa aming lahat.

Hanggang dumating ang bukas.. Ang araw ng aming paglisan.

Ayun, maaga pa lang nasa pier na kami kasi nga darating na yung Bangka na maghahatid sa amin papuntang Cuyo.

Magkasama kami ni Kay. Nakaupo ako sa duyan, buhangin sa akin mga paa.. Ang dagat ay kumakanta. Ay. Summer Song? Hahahahaha xD

Hindi. Nakaupo talaga kami nung sa duyan.

“Tita.. Nakapagpaalam ka na ba?” tanong sa akin ng umang.

Ano raaaaaw?

Malungkot akong napatingin kay Kay.. “Kanino? Sa’yo? Babye Kay!”

“HINDI!”

“E kanino?”

“Ang slow mo Tita..”

Hay nakooo. Ako pa ang slow. Tsk. “Kay.. Mamimiss ba yan kita.” Madamdamin kong sabi sa kanya.

“Eww. Tita naman e. Tingin mo ba mamimiss kita?”

BASTOS NA BATA!

“Ah ganun? Edi hindi na..” Inis ko na sabi sabay walk out kunwari.

“Tita joke lang! Grabe ba ‘to e. Wag ka na magalit..” Pagmamakaawa ni Kay tapos biglang mapapatingin ako sa barangay hall at makikita si Kevin dun.

“Sige na Tita.. Magpaalam ka na.” Patawa-atwang sabi ni Kay sabay takbo. Lanyang bata. Kunga maisulong naman ang ChaVin! (Ayyyyy.. OTP? Hahahaha)

Hindi ko alam a. Pero para rin talaga akong timang na naglakad papunta sa kung nasaan si Kevin. Pagdating dun, dun sya umupo sa ilalim ng light house. Ako naman dun sa tapat nya lang. Tapos mukha na talaga kaming timang.. Hahahahaha. Magkaharap sabay walang nagsasalita. Hinhintay ko kasi sya… CHOS! Haha

Pero hanggang sa umalis na lang kami. Wala talaga. Walang closure? Ang pangit naman. Ang dami pang tanong sa isip ko pero din a yun nabigyan ng kasagutan.

Sumakay na kami sa Bangka. Wala na talagang dedepress pa sa pag-alis ko na yun. Tapos nung kinuha ko na yung cellphone ko para mag last GM man lang sa mga maiiwan namin dun. Nagulat ako kasi may isang message.

Bye.. Ingat ka. Kita-kits na lang sa Puerto :)

Sender: Kevin

Ngayon.. Madalang na lang kami kung magkita. Busy kasi kaming lahat sa pag-aaral. Pero kahit naman ganun magkakaibigan pa rin kami. Syempre hindi na mawawala yun. Nandun na yun e.

Sigurado ako, naging memorable ang Summer na yun para sa aming lahat dahil maliban sa kiligan na pinagkaabalahan naming lahat, nakabuo kami ng pagkakaibigang hindi pa rin natitinag.

Hopefully next year uuwi sila sa Agutaya. Wish ko lang sana makauwi rin kami.

At sa muling pagkikita? Bahala na sa amin si tadhana :) 

The CrushedWhere stories live. Discover now