Banana Cue ~ Harold

232 9 8
                                    

Title: Banana Cue

Crush: Harold

Since nadaanan na si Ramon. Pahiwatig na yan na ang mga susunod kong kras ay hindi na in chronological order. K lang ba?

At sa pagpapatuloy ng buhay pag-ibig ko..

Syempre. Hindi lang naman umikot sa isang lalake ang mundo ko noon. May mga ilang lalake rin naman ang nagpakilig sa akin nung high school. Idamay na natin dyan ang dalawa kong ex classmates nung HS. Si JD at Harold. Dalawa sila. Unahin na natin yung isa. Tehehehe.

Magsimula tayo kay Harold.

Kaklase ko si Harold mula first year high school hanggang gumraduate kami. Sabi nila, gwapo sya. Para sa akin. Malakas ang dating nya. Dancer kasi sya. Magaling dumamoves, wala akong masabi. Magaling din sya sa klase, maloko nga lang at parbol. Mahilig mag-cut ng class para mag dota. Tapos sobrang patawa pa ng loko. Papasa nga yung class clown e. Source yan ng mga banat sa loob ng classroom namin noon. Siguro, dahil na rin sa mga pag uugali nya na ganyan.. Kaya nagustuhan sya ng halos lahat ng babae sa room namin.

Hindi ko gusto si Harold. Kinikilig lang ako sa kanya at sa presence nya. Mwahahahahha! Dahil dyan, ika-classify ko na lang sya na crush kahit na mild lang naman talaga ang pagkagusto ko sa kanya.

Gaya ng nasabi ko, magkaklase kami ni Harold mula first year. Pero hindi kami close. Hindi kasi ako malapit sa mga lalake. Hindi ko sya pinapansin masyado kasi wala naman syang pakialam sa akin. Hahahahahaha! May iba naman kasi syang gusto. At gaya ng nakasaad sa kasulatan, ganun ang set up namin hanggang third year :> Hanggang third year lang..

Dahil nung fourth year, medyo nagpapansinan na kami. Siguro for a change. Ang awkward naman kung gumraduate kami na hindi man lang nagpapansinan. Hindi ko nga sya crush pero kinikiligs pa rin me. Hahahaa! E si Harold yun e. Bakit ba?

Minsan isang araw, nung fourth year kami.. Nagutom ako. O. Baka sabihin mo ‘Ano naman ang connection ng pagiging gutom mo kay Harold?’ Malaki ang connection! Kailangan mong mabasa para masaya. Hahahaha

Yun nga. Nagutom ako. E nagkataon na waley akong money nun. Kasi nga hapon na. Lagas na lahat ng laman ng wallet ko. Para matugunan ang matinding pangangailangan.. Nangutang ako sa mga tinuturing kong KAIBIGAN.

“Cris! Pautanggggggggg! Gutom na ako. =(((((((((“

“Pautang? Dare muna!”

Gawain kasi namin ang gumawa ng dare kapag hapon na. Pag nagdidare kami, dapat may price. Pag nagawa mo, bibigyan ka ng premyo na pinangako ng nagdare sa’yo. Kung hindi, ikaw pa ang magbibigay ng premyo sa kanila. Sobrang madaya ang dare game namin. Pero wag kayong mag-alala. Hindi naman ako nadaya. Hahahahahaha! Kasi, wala akong dare na hindi nagawa. Kaya nga kahit nawawaldas ang pera ng mga kaklase ko sa akin, tuloy pa rin sila sa pagpapagawa ng mga dare. Nagsisilbi na rin nila yun na entertainment. Ewan ba. Sadyang uto-uto lang ata ako. Hahahahaha

The CrushedWhere stories live. Discover now