Umbrella ~ Ethan

613 15 4
                                    

 Title :  Umbrella

 Crush – Ethan

Okay. Simulan nating ang kwento ko sa simula. (Syempre. Pagsinimulan ko yun sa huli hindi nay un huli, simula pa rin yun. Ay ano daw?! Never mind.)

Nung Grade 1 ako, wala pa akong crush. Hindi ko pa kasi yun alam. Habang ang buong klase naming ay  nagkakandarapa kay Prince (yung classmate namin na laging nabobotong Class President at laging first sa ranking every grading period), ako naman walang pakialam sa mundo. Ang gusto ko lang lagi ay makauwi para makapaglaro kasama ang mga tropa kong wagas.

By wagas~ hindi ko sinasabi na yung mga tropa kong bata noon e yung mga tumatambay sa kanto habang humihithit ng solvent pang laman tiyan. Ang tropa ko dati~ wagas. Yung tipong umaga palang magkakasama na kami para harapin ang bukang liwayway. Yung tipong alas diyes ng umaga nagtatakbuhan kami. Yung tanghaling tapat na tumatakas kami sa mga bahay namin dahil ayaw matulod para lang maglaro ng teks, goma, jolens. Tapos pag magdadapit hapon na, santa-santahan naman ang mga drama namin dahil magdadala kami ng mga walis o kung ano pa mang gamit na panglinis papunta sa grotto sa loob ng kampo (Okay. Malapit nga pala sa isang Air-base ang tirahan naming noon). Tapos pag gabi, tagu-taguan naman ang drama namin.

Oha? Halos 24 hours kaming gising. Hahahahaha xD

 Nung first half ng Grade 2 ganun pa rin ang gawain ko. Step No, Step Yes pa ang uso noon. Hahahaha. Naalala ko tuloy na kumukuha pa ako ng chalk sa stock ng nanay ko (teacher kasi nanay ko) para lang makapag guhit sa lahat ng flat surface na pwede naming gawing playing ground. (Vandalism pala. Hahaha)

Wala akong panahon sa mga lalake. Kahit na inaasar nila sa akin si Biboy (kapit bahay naming na pilit nilang nilalabteam sa akin noon, na gwapo na ngayon. K. Nagsisisi na ako.) noon, wapakels ang kagandahan koooo.

Pero nagbago ang lahat nung isang araw, pumasok ako sa room namin na amoy pawis at araw ng may sumalubong sa akin na bagong mukha. Nagulat ako dahil hindi sya katulad ng iba kong mga kaklase na puro raskalan ang gawa.  Tahimik lang syang nakaupo sa gitna ng mga lalake naming nagkakagulo.

Maputi sya, kutis mayaman ang bruho. Matangos ang ilong, maganda yung mata nya na parang Spanish ang origin.. Medyo kulay brown ang buhok nya. Mukha syang foreigner. Maliban pa dun, mahaba rin ang mga pilik-mata nya. In short.. Gwapo sya :>

Habang nakaupo sya sa tabi ng mga kaklase kong mukhang mga kumag, nangingibabaw sya sa kanila. Kaya nga pansin na pansin ko di ba? Wahahaha. Nagmukha syang anghel sa gitna ng mga impakto!

Hahahahaha. Joke lengs! Ang sama ko naman dun. Pero ganun talaga ang dating e, iba sya sa kanila.

Umupo ako sa upuan ko nun saka nagtanong sa katabi ko, “Sino sya?”

“Naki-room. Kay Ma’am Rey ata galing.” Sagot ng katabi ko na busy sa paglalaro ng paper doll nya.

“Ahh..” sagot ko habang nakatingin pa rin kay bagong classmate.

The CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon