Summer Grasshopper ~ Kevin

230 4 8
                                    

Title: Summer Grasshopper

 Crush: Kevin

Dahil panahon na naman ng tag-init.. May bigla akong naalala. Ayaw ko sanang i-share sa inyo ang kwentong ‘to kasi baka isipin nyo malandi talaga ako pero ganun naman talaga. Hindi. Biro lang naman. Hahahaha

K. Ang susunod kong kwento tungkol lang ‘to nung experience ko nung Summer 2010. Sa totoo lang.. Tingin ko lang naman a? Isa talaga ito sa mga Summer na hindi ko makakalimutan sa buhay ko. Paano ba naman kasi sobrang daming nangyari sa akin. First time ko naexperience kiligin sagad to the bones na dumating pa sa point na ayoko na matulog at kumain. Twing maalalala ko yun? Natatawa ako. Pero hindi ko talaga mapigilan na hindi kiligin.. Yung Summer 2010 na siguro yung pinaka nakakakilig na summer na naranasan ko in my 19 years of gorgeous existence.

Ano nga ba ang nangyari nung Summer 2010?

Ganito kasi yun :>

Basahin mo yung 9 Days of May ko. Dun ang kasagutan!

Hindi. Joke lang. Wahahahahahhaa xD Yung 9 Days of May yun yung expanded version ng kwento ko na ‘to. Tapos.. Ah basta. Basahin mo na lang yun kung interesado ka pero bago mo gawin yun tapusin mo muna ‘to. Tutal naman nandito ka na rin e :)

Nung Summer ng 2010..

Pinatapon kami ng kapatid ko sa Cuyo- isang municipality sa Palawan. Kung napanood mo na yung Ploning ni Mareng Judy Anne Santos, dun yun ni-shoot. Sa Cuyo.

Dun kami napatapon para magbakasyon. Wala naman sana kaming problema ng kapatid ko dahil kasama naman namin yung mga pinsan namin. Pero dahil sa sama ng ugali ng tiyahin namin.. Hindi ko na ieelaborate kung gaano kasama ang ugali ni Tita kasi baka abutin na ako ng June kapag ginawa ko yun. Pero dahil na rin sa kasamaan ng ugali ni Tita.. Napilitan kaming mag-aklas. Naisipan naming maglayas.

So nag-layas nga kaming suwail na magpipinsan. Apat kami. Ako, yung kapatid ko tapos si Kate (pinsan kong gurlaloo na kasing edad lang ng kapatid ko) at si Jake (kuya ni Kate at kasing edad ko lang naman nung mga panahon na yun). Dala lahat ng gamit namin, isang bote ng 1.5 na coke at isang pack ng sky flakes, pumunta kami sa kalapit na munisipyo.. sa Agutaya.

Wag kayong mag-alala. Hindi naman kami dayo dun. Ang totoo nga, nandun ang halos lahat ng kamag-anak namin. Wahahahahaha xD

Tatlong oras ang biyahe mula Cuyo papuntang Agutaya. Sumakay kami syempre sa Bangka kasi yun lang yung means of transpo papunta sa Agutaya. Tatlong oras kaming nakisabay sa alon ng buhay at ng dagat. Grabe. Di ko kinaya yung biyahe sumuka talaga ako. Kadiri lang e.

The CrushedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ