Chapter XXXIII

2.2K 32 18
                                    

“Hindi ba napakabilis ng mga pangyayari Ralph?”


“Are you saying, hindi ka pa handa? Pero kung ano man ang desisyon mo, maghihintay pa rin ako. Alam kung ang dami kung kasalanan sa iyo, babe. Pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance.”


Dahil walang narinig na sagot mula kay Asher, tumayo si Ralph at akmang papalabas na siya ng kwarto ng biglang nagsalita si Asher.


„Hayan ka na naman, ikaw ata si Mr. Walk out King. Hindi mo na ba ako papakinggan?”, tanong ni Asher at lumapit kay Ralph.

“Alam mo bang pinangarap ko na ito mula ng bata ako?”, sabay yakap kay Ralph.


“hindi ko alam kung nasabi ko na ang mga ito sa iyo ito, pero gusto kung malaman mo na kahit paulit-ulit kung sasabihin sa iyo ito at sana makinig kang mabuti Mr. Ralph.”


“Bata pa lang ako o sabihin na natin na lahat ng babae…., pinapangarap na sana balang araw, mahanap nila ang prince charming nila. Pero ako… sabi ko sa sarili ko…, na kung magmamahal man ako…gusto ko, isang beses lang… kung may nakikilala ako, gusto ko makilatis muna kung ano ba talaga ang intensiyon nila sa akin, ayoko kasi pasukin ang isang bagay na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko….. pero dumating ung araw na nangyari ang hindi inaasahan, una ko pa lang siya nakita, alam kung siya ang para sa akin…, dahil makikita mo sa mga mata niya ang sinseridad niya… alam mo ba ung feeling na ayaw mo na siyang mawala sa tabi mo…ung feeling na, hindi ka mabubuhay na wala siya…, at un ang naramdaman ko sa iyo Raplh…

“Alam mo ba ikaw lang ang kauna-unahan na kasintahan ko at gusto ko ikaw rin sana ang forever na mamahalin ko, Mahal na mahal kita Ralph…and I don’t think I can survive losing you a second time... And YES, Ralph, I will marry you." 

“Asher, I love you so much. Hindi ako mabubuhay ng wala ka…. I want us…. to marry as soon as possible…. And… I want you to have my babies…. You’re the woman…. I want to spend the rest of my life with. Thank you, baby ko”

Niyakap ni Ralph si Asher ng mahigpit at sinuklian din ni Asher ang mga yakap ni Ralph. The warmth of his breath against her ear sent shivers down her spine. His mouth covered hers. Their kiss held promises of a lifetime.

*******

Hindi nagtagal, pinaalam na rin nila sa parents ni Ralph na magpapakasal na sila sa lalong madaling panahon. Excited ang mga magulang ni Ralph lalong-lalo na ang mommy ni Ralph. Hindi na raw siya makapaghintay na magkaroon ng apo, at sinusuklian naman nina Ralph at Asher ang pagbibiro ng mommy niya.

Madaling naka-recover si Ralph sa therapy at halos dalawang buwan din ang inaabot bago tuluyan siyang gumaling. Kapag may oras si Asher, pinupuntahan niya ito during his therapy. Pero may napansin siya sa therapist ni Ralph, akala mo papatayin siya sa mga tingin nito. Minsan nakakahalata na rin si Asher na pinagseselos siya ni Nurse Kim, pero wala lang un sa kanya dahil kampante siya na hindi siya lolokuhin ni Ralph. Kaya para maiwasan niya ito, hindi na siya pumupunta sa araw ng therapy ni Ralph. Pinaliwanag naman niya sa binata kung bakit mas gusto niyang huwag na lang pumunta kaysa makaramdam siya ng selos. Natatawa naman si Ralph ng sabihin un sa kanya ni Asher. Hindi na siya nakipag-argue regarding doon, dahil alam niyang may point si Asher, at alam niya rin sa sarili na parang may masamang balak talaga sa kanila si Nurse Kim.

Dumating ang araw ng ipahayag nila sa buong Anderson Hospital ang malaking kasalan magaganap, at ganun sa opisina ni Asher. Marami ang natuwa at meron naman dalawang taong may matagal ng lihim na masama sa magkasintahan.

Samantalang si Pj, hindi pa rin ito tumitigil sa kapaparamdam  sa dalaga. Para na tuloy siyang obsess na obsess kay Asher. Pero may time na muntikan na niyang halikan si Asher sa harapan ni Ralph. Natigil lang ito ng suntukin na siya ni Ralph, mula noon, hindi muna siya nagparamdam sa dalaga.

Pero hindi lingid sa kaalaman ni Asher, may masamang balak sa kanya ang binata. Isang araw, nakipagkita si Pj sa taong kasabwat niya, para maisakatuparan ang binabalak niya sa dalaga.

“Hintayin kita mamaya sa dati sa coffee shop. Magkita tayo na lang mamayang hapon”, sabi ni Pj sa kausap.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Where stories live. Discover now