Chapter III

2.5K 24 6
                                    

Sa kwarto ni Ralph.

Hindi niya makalimutan ang mukha ni Asher. Napakaamo ng mukha, para siyang diyosa na bumaba sa langit. Hindi niya maiwasan ang mag-alala sa dalaga, parang gusto niya itong alagaan at mahalin habang buhay. Napabuntong hininga si Ralph sa huli niyang naisip.

Hindi pwede Ralph“, sabi nito sa sarili.  Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Una ko pa lang siya nakita, parang ang tagal-tagal na naming magkakilala. Sino ang mag-aalaga sa kanya?

Awa lang yan Ralph”, buntong-hininga niya.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Hello Hon”, sagot nito.

Hi Hon. Oh, bakit parang ayaw mo akong maka-usap?”, sabi nung nasa kabilang linya na parang nagtatampo.

Hindi naman sa ganun. Pagod lang talaga ako sa trabaho. Kumusta ka na?”, pag-iiba ng usapan ng dalawa.

Si Angelie, siya ang Fiance ni Ralph. Pero nakatira siya sa ibang bansa kasi mas ginusto niya manirahan dun dahil na rin sa pinursue nito ang modelling. Kahit ayaw ni Ralph, wala siyang magawa, minsan pinamili ni Ralph between work and him. Pero mas pinili ni Angelie ang kanyang trabaho. Kaya hindi mawala sa isipan ni Ralph na mas magandang maghiwalay na lang sila. Pero sinasabi ni Angelie sa kanya na pag-uwi niya, magpapakasal na sila.

Pero mababago kaya ang kapalaran ni Ralph ngayon may biglang dumating sa buhay niya na wala naman kasiguruhan kung mas makikilala pa niya kung sino talaga si Asher Tua?

Pero ang mahalaga sa kanya ngayon ay kung paano niya maaalagaan at mapapagaling ang misteryosa niyang pasyente.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Where stories live. Discover now