Chapter XXIII

2.2K 37 24
                                    

“B---abe?”, tinitigan ni Ralph si Asher at ngumiti ito.

Matagal silang nagtitigan at parang ang mga mata lang nila ang nag-uusap.

“Halika ka nga muna dito sa tabi ko”, sabi ni Ralph at saka niyakap ang dalaga.

“Baby, I love you so much! “, sabi ni Asher at umiiyak nanaman hindi dahil sa lungkot kundi ang kasiyahan na makita ang kasintahan na muli itong nagkamalay.

“I love you so much, baby girl. And I miss you.”, sabay halik sa mga labi ng dalaga.

Yun ang unang halik nila na napakatagal, ng narinig nilang bumukas ang pintuan at saka palang silang naghiwalay.

Namumula tuloy si Asher at napapangiti si Ralph ng makita ang itsura ng kasintahan. Tumalikod si Asher para salubungin ang mga magulang ng binata.

“Tita, Tito, gising na po si Ralph”, saka niyakap ni Asher ang ina ang ina ni Ralph.

Dali-dali silang lumapit sa binata at walang ginawa ang ina ni Ralph kundi ang halikan ang anak.

„Ma, baka mamatay ako sa kaka-halik niyo“, sabi ni Ralph.

Nagtawanan na lang silang lahat sa sinabi ni Ralph.

„Baby, gusto mo na bang kumain?“, tanong ni Asher.

“Actually, kanina pa ako nagugutom eh”, sabay tawa ng binata.

“Pero kung pwede, ikaw na lang pananghalian ko”, bulong ni Ralph sa dalaga.

Namula na naman ang mga pisngi ng dalaga at nahampas tuloy ni Asher ang mga balikat ng dalaga.

“Aray!”

“Sorry naman po”, sabay halik sa mga labi ng binata.

“Salamat, baby girl.”

“Para saan?”

“Dahil hindi mo ako iniwan at andiyan ka lagi sa tabi ko.”

“Babe, hindi ko kaya na wala sa tabi mo. Gusto ko ako ang nag-aalaga sa iyo. Gusto kung malaman mo na mahal na mahal na mahal kita.”

„Kumusta ang pakiramdam mo?“, tanong ni Ash.

“Mabuti-buti na kasi ikaw ang una kung nakita paggising ko”, pilyong ngiti ang binigay ng binata kay Asher.

“Sana araw-araw, ikaw na ang nakikita ko paggising ko”, pahabol ng binata.

“Mister bolero ka pala, banat ng banat, magpagaling ka at magpalakas ka muna, baka kung ako nagsimula, baka maadik ka“, nakangising sabi ng dalaga.

“Eh, di gawin mo na ngayon din”,sabay hila kay Asher pabalik sa mga braso niya.

“Ralph!!”

Napapangiti na lang ang mga magulang ni Ralph sa nakikita nila sa magkasintahan habang nagbibiruan.

“Ang saya nilang tignan, Dad ano?”, sabi ni Mommy Eva.

“Pasalamat tayo sa Panginoon at hindi niya hinayaan na mawala sa atin ang anak natin.”

Lumapit sila sa dalawa.

“Kailan niyo ba kami mabibigyan ng apo?”, tanong ng daddy ni Ralph.

Natawa ang dalawa at namumula na si Asher.

“Dad naman, relax lang muna kayo. Susulitin ko muna ang girlfriend ko”, sabay ngiti sa dalaga.

“Alam mo, ikaw, puro ka biro”, sabi ni Asher. Sabay pitik sa tenga ng binata.

„Siya at aalis muna kami ng daddy niyo. Bibili kami ng pagkain”, sabi ni mommy Eva.

“Daddy agad, mommy?”, sabay tanong ni Ralph na nangingiti sa mga magulang.

“Narinig mo yun, baby girl? Wala ka ng takas sa akin at sa mga magulang ko”, pagbibiro ng binata.

„Dad, sooooon ung apo niyo!!“, pahabol ni Ralph sa mga magulang.

At kurot at hampas nanaman ang natamo niya kay Asher.

“Ang kulit mo! “, sabi ni Asher.

Babe?“

„Bakit may masakit?“, tanong ni Asher.

“Wala naman. Pwedeng tabihan mo ako sa pagtulog?”

“Hindi pwede, baka kung anong sabihin nung mga papasok na nurses.“

„Please?”, nagmamakaawang sabi ni Ralph.

“Tatabihan mo lang naman ako eh. Please, baby girl?“

„Ang kulit mo talaga Ralph“, sabay lapit sa kasintahan.

Wala nang nagawa si Asher at tinabihan si Ralph sa pagtulog.

Nakatulog silang magkasintahan na magkayakap at ganun ang itsura nila ng madatnan ng mag-asawang Anderson at napapangiti na lang ang mga ito.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon