Chapter XXII

2K 24 21
                                    

Dumating ang araw ng operasyon ni Ralph. Kinakabahan si Asher pero kailangan niyang magpakatatag dahil alam niyang kakayanin ni Ralph at makakaligtas ito.

Magkasamang nagdadasal sina Asher at ang Mommy ni Ralph. Samantalang kasama ang daddy ni Ralph na nasa operation room din.

Tatlong oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas ang mga doctor sa operation room.

Lumipas ang isang oras at wala pa ring lumalabas at nakatulog na rin si Mommy Eva sa may waiting area. Samantalang si Asher, gising na gising at hinihintay matapos ang operasyon ni Ralph.

Umabot rin ng halos walong oras ang operasyon ni Ralph saka lumabas ang mga doctor. Nagising na rin ang mommy ni Ralph at sinalubong ang asawa.

“Hon, kumusta ang operasyon ni Ralph?”, sabi ni Mommy Eva.

Noong una, kinakabahan sina Asher at Mommy Eva. Pero nawala ang kaba nila ng napangiti si Dr. Anderson.

“Sweetheart, maayos ang naging operasyon ni Ralph. Ililipat na siya sa recovery room maya’t maya at by tomorrow, ililipat na siya sa private room”, paliwanag ni Daddy Gerry.

“Salamat, Diyos ko”, sabi ni Mommy Eva.

At saka sila nagyakapan ni Asher.

“Maghintay pa tayo ng mga ilang oras”, sabi na asawa.

“Diyos ko, sana po tuloy-tuloy na ang paggaling ni Ralph”, pagdadasal ni Asher.

“God is great, iha”,sabi ni Mommy Eva.

Kinabukasan na nila nilipat si Ralph. Hinintay ni Asher at Mommy Eva na mailipat muna si Ralph sa sarili niyang room. Doon na rin nagpahinga ang mag-asawa at pati na rin si Asher na nasa tabi ng kama ni Ralph na natulog.

Habang natutulog si Asher, gising na rin ang mag-asawa.

“I’m happy na may nagmamahal sa anak natin ng ganyan kabait, kabuti at mapagmahal, Dad”, sabi ni Mommy Eva habang pinagmamasdan nila si Asher.

“Ang swerte ni Ralph at nakatagpo siya ng kagaya ni Asher.”

“Sana nga, dad, maging maayos na lahat. Nakita rin natin ang hirap ng batang yan mula ng mawala ang mga magulang niya. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling ng anak natin”, patuloy ni Mrs. Anderson.

Ginising nila saglit si Asher para magpaalam at uuwi saglit sa hotel para makapagbihis at magpahinga ng kunti. Pagkaalis ng mag-asawa, hindi mapigilan ni Asher na titigan ang binata.

“Baby, namimiss na kita ng sobra. Malapit na ang kaarawan ko. Kung may hihingin man akong regalo……. Ikaw un……, na sana bumalik ka na”, sabi ni Asher habang hawak-hawak niya ang kamay ng binata.

Sa diwa ni Ralph:

“Baby girl, sana naririnig mo ako ngayon. Gusto kung malaman mo na naririnig ko lahat ng sinasabi mo. Gusto kung malaman mo kung gaano ako kasaya at hindi mo ako iniwan sa laban na ito. Sa iyo ako kumukuha ng lakas para lumaban. Diyos ko, maraming salamat at hindi niyo ako pinabayaan at ang pinakamamahal ko. Pero ayoko siyang iwan, ayoko pong maging miserable siya habang buhay.“

Maya’t maya pa ay nakatulog na ulit si Asher.

Nagising si Asher dahil sa lakas ng katok ni Yaya Lina.Dali-dali niyang binuksan ang pintuan.

“Yaya, bakit po parang hindi maipinta ang mukha niyo?”, tanong ni Asher.

“Anak, si Ralph.”

“Bakit po si Ralph?”

“Anak, halika muna dito at umupo ka.”

“Yaya Lina, pinapakaba niyo naman po ako.”

“Anak, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko.”

„Yaya, may nangyari po ba kay Ralph? Yaya, ano!?”, napasigaw ng kunti si Asher.

“Anak, tumawag si Dra. Anderson, at………..”

“At, ano po?”

“Wala na si Ralph. Hindi niya nakayanan ang operasyon”, at umiyak si Yaya Lina habang kinekwento kay Asher.

“Yaya, huwag niyo naman po ako biruin ng ganito. Sabihin niyo po na nananaginip lang ako”,sabi ni Asher habang iyak siya ng iyak.

“Anak. Tama na.”, walang magawa si Yaya Lina kung hindi ang yakapin na lang si Asher habang iyak ng iyak ito.

Biglang naalimpungatan si Asher ng may humawak sa kamay niya ng sobrang higpit.

“Salamat Diyos ko at panaginip lang yun, huwag naman po“, umiiyak na sabi ni Asher.

Nang biglang maalala ni Asher kung sino ang humawak sa kamay niya ng sobrang higpit. Tinignan niya si Ralph at natuwa si Asher sa nakita niya.

“Ralph?”, napangiti at naiiyak si Asher ng makita niya ang mga ngiti sa labi ng kasintahan.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon