Chapter XXVI

2.1K 29 15
                                    

Mga dalawang araw pa namalagi si Asher sa Amerika at ginugol niya ang oras niya sa pag-aalaga kay Ralph.

“Babe, sana matapos na agad yung therapy mo”, sabi ni Asher.

“Mamimiss mo ba ako?”, paglalambing ni Ralph.

“Oo naman, kaya nga malungkot ako dahil wala ako sa tabi mo at hindi ako ang mag-aalaga sa iyo.“

„Alam mo, napaka-swerte ko talaga at nakilala kita. Don’t worry too much, kaya ko naman ang sarili ko.”

“Baka mamaya makahanap ka sa isa sa mga nurses mo diyan na nag-aalaga sa iyo”,

“Wala ka bang tiwala sa akin?”, may pagtatampong tanong ng binata.

“Siyempre meron po, kaso baka makahanap ka ng mas seksi sa akin.”

“Umiiral na naman ang insecurities ng baby girl ko.”

Hinawakan niya ang mga pisngi ng dalaga at tinitigan niya ito.

“Tandaan mo lagi ito, baby girl. Ikaw lang ang mamahalin ko at gustong makasama habang buhay.”

And they kiss again and again and again…(Author’s note: sorry po, hindi ako masyadong detailed pagdating sa love making, may ganun? :P.. pero wala pong nangyaring ganun, peace.. ;) )

Dumating ang araw ng pag-alis ni Asher. Dumaan siya sa Hospital bago umalis para magpaalam kay Ralph. At sa dinami-dami ng bilin sa kanya ni Ralph, natatawa na lang dalaga rito.

“Baby, tawagan mo ako pagdating mo doon,ha?”

“Oo, naman. Pero hindi ko maipapangako sa iyo na every minute matatawagan kita o kaya masagot ko ang mga text mo, baby. Im not sure kung maayos naming agad ung problema ni Philippe”, may lungkot na sabi ng dalaga.

“Maiintindihan kita, basta huwag mo lang ako kakalimutan”, pagbibiro ni Ralph.

“I love you so much, baby. Mamimiss kita”, sabi ni Ralph.

“I love you too, baby ko. Hihintayin ko pagdating mo. Basta magpagaling ka”, sabi ni Asher.

“Huwag mong pababayaan ang sarili mo doon, baka mamaya puro trabaho na lang ginagawa mo, please?”

“Opo”, natatawang sabi ng dalaga.

Biglang sulumpot ang Mommy ni Ralph.

„Anak, ang dami mo naman bilin sa kasintahan mo. Baka maiwan na siya ng eroplano“, pagbibiro ng ina.

“Mas maganda nga un, Ma”,sabi ng binata tapos sabay ngiti sa dalaga.

„Baby, i need to go na. I love you so much!” sabay halik sa binata. They kiss na para bang hindi na sila magkikita.

After ng ilang oras ng biyahe ni Asher, ay tinawagan niya si Philippe na didiretso na lang siya ng opisina. Sinabihan siya ni Philippe na bukas na lang siya pumasok pero gusto agad maayos ni Asher ang problema. Nagpatawag siya ng board meeting, at dahil sa sobrang busy niya, ay nawala sa isipan niya na tawagan ang kasintahan.

Madaling araw na siya ng makarating sa bahay dahil she make sure na kahit paano maayos niya ang problema at hindi naman nasayang ang araw na iyon.

Pagdating niya sa bahay ay, chineck niya muna si baby Raffy sa kwarto nito.

“I miss you so much baby Raffy”, at saka hinalikan ang anak.

 Mga ilang minuto rin siyang nasa kwarto ng bata at pinagmamasdan niya lang ito habang natutulog, nang bigla niyang maalala si Ralph. Tinignan ang kanyang cellphone at drain na pala siya kaya hindi niya alam kung may tumatawag sa kanya. Hindi na kasi siya nakapag-charge ng phone bago siya umalis ng Amerika. Dali-dali siya pumunta sa kwarto at nagbihis bago niya tawagan ang kasintahan.

Pagkatapos niyang maligo at lahat-lahat, tinawagan niya si Ralph. Agad-agad naman sumagot ang nasa kabilang linya.

“Bakit ngayon ka lang tumawag? Alam mo bang sobra akong nag-aalala sa iyo? Hindi ko alam kung may nangyari sa iyo!”, malungkot na tanong ni Ralph na may halong inis sa boses niya.

“Sorry, baby.” Ito na lang ang nasagot ni Asher para hindi na humaba pa ang diskusyon nilang dalawa. Alam niyang kasalanan niya kaya humihingi siya ng tawad sa kasintahan.

Hindi naman matiis ni Ralph ang dalaga.

„Sorry din, kung nainis ako.“

„Sorry baby,dumiretso na kasi ako sa opisina pagkarating ko. Sorry talaga.“

„Sorry, hindi ko lang mapigilan. Alam ko na sinabi mong magiging busy ka, pero hindi ko akalain na papasok ka agad. Sana nagpahinga ka man lang“, sabi ni Ralph.

„Gusto ko kasi matapos na agad ang problema, para makabalik ako diyan at makasama ka.“

„Hindi mo naman kailangan gawin yun. Sobra talaga ako nag-aalala sa iyo, dahil hindi mo ako tinatawagan“, may lungkot par in sa boses ng binata.

„Pinapatawad mo na ba ako, Doc?”, may paglalambing sa boses ng dalaga.

“Mmm, pag-iisipan ko muna”, pagbibiro ng binata.

“Sige na bati na tayo, baby ko? I love you, I love you, I love you soooooooo mmmmmuccccccchh!!!”.

Dahil sa huling sinabi ng dalaga, natawa ang binata kaya nahimasmasan ito at nawala ang inis na nararamdaman niya kanina. Nagtagal pa ang pag-uusap nila bago nila pinutol dahil may trabaho pa si Asher kinabukasan.

Mga anim na oras lang ang tulog ni Asher dahil kailangan niyang gumising ng maaga para makapag-prepare dahil may lunch meeting siya sa kliyenteng nag-rereklamo.

Pagkababa niya, nakita niya sa living room si baby Raffy na nilalaro ni Yaya Lina.

“Good morning, nay Lina. Good morning baby ko”, sabay halik sa anak.

“Ma  ma  ma  ma ma”, sabay bungingis ng bata.

Napangiti naman si Asher ng tinawag siyang Mama ni baby Raffy.

Mag-wawalong buwan na si baby Raffy mula ng may nang iwan sa kanya sa harap ng bahay niya.

Nakipaglaro muna siya kay baby Raffy at saka sila kumain ng breakfast. Bago mag-alas dose ng tanghali, umalis na si Asher sa bahay niya at duiretso sa isang restaurant kung saan niya magkikita ng kliyente niya.

Pagpasok niya sa restaurant, hinatid siya ng waiter kung saan naghihintay ang kliyente niya. Habang papunta siya sa may table, hindi niya maiwasan ang kabahan. Sinalubong siya ng lalaki at nginitian siya nito at sinuklian naman niya ang pagngiti sa kanya.

“Late na ba ako, sir?”, pag-aalalang sabi ni Asher.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Where stories live. Discover now