Chapter XXI

2.1K 30 8
                                    

Nang magising muli si Asher, nasa tabi niya si Philippe na karga-karga niya si baby Raffy.

“Philippe, please sagutin mo ako?”, pagmamakaawa ni Asher.

Binigay muna ni Philippe si Raffy kay Yaya Lina para makausap niya ng mabuti si Asher. Kasalukuyan na wala doon ang mga magulang ni Ralph at si Angelie dahil nasa ICU pa sila para tignan si Ralph.

Ash, Ralph is not responding well.”

At nagsimula nanaman umiiyak si Asher.

“Malaki ang natamo niyang sugat kaya kelangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon”, pagpapatuloy ni Philippe.

“Sana ako na lang”, sabi ni Asher habang umiiyak.

„Ash, wag mong sabihin yan.“

Kailangan mong magpalakas para sa kanya, para kay baby Raffy”, sabi ng binata.

“Gusto ko siyang makita Phil.”

Noong una nag-aalangan si Philippe.

“Saglit, at tatanungin ko ang doctor mo kung pwede kang maggagalaw na kahit saglit lang“.

Maya-maya pa ay lumabas si Phillipe at pumunta sa nurse station kung posible bang lumabas si Asher para puntahan at makita ang kasintahan na nasa ICU pa.

Mga ilang minuto rin, kinausap ni Philippe ang doctor nito kung papayagan ba si Asher na puntahan si Ralph.

Wala naman naging problema sa doctor niya. Maya’t maya pa ay bumalik si Phillipe kasama ang nurse na may dalang wheelchair para magamit ni Asher.

Nag-ayos saglit si Asher at umupo na sa wheelchair kasama si Philippe at ang nurse na si Sam.

“Ms. Asher, dahan-dahan lang po kayo. Kung may nararamdaman kayong sakit, sabihan niyo lang po ako“, sabi ni nurse Sam.

„Salamat, ok lang ako“,sabi ni Asher.

Naiwan si Yaya Lina at si Baby Raffy sa room at mga ilang minuto pa ay nakarating na sila sa ICU. Pumasok sila at inendorse muna ni Nurse Sam si Asher kay Nurse Kim.

“Kim, tawagin mo na lang ako sa nurse station kung babalik na si Ms. Asher sa taas para masundo ko dito“, sabi ni Sam.

“Ok, ako na muna bahala. Salamat”, sabi ni Kim.

Dumiretso agad si Asher sa tabi ng kama ni Ralph at andoon rin ang mag-asawang Anderson at katabi naman ni Angelie si Philippe. Nakita niyang ang daming nakakabit n mga tubo sa katawan ng kasintahan at wala siyang magawa kundi ang umiyak at ipagdasal ito.

“Baby, lumaban ka, please. Huwag mo naman akong iwan. Paano na ang mga pangarap natin. Huwag kang bumitaw, please.“

„Diyos ko, iligtas niyo po siya. Huwag niyo naman po siyang kunin sa akin. Nagsisimula pa lang kami pero bakit ganito na ang nangyari? Nawala na ang mag magulang, hindi ko alam kung makakayanan ko pa kapag nawala po siya sa buhay ko. Diyos ko! Nagmamakaawa ako sa inyo. Mahal na mahal ko po siya. Siya ang muling bumuhay sa akin at nagbibigay saya sa akin araw-araw. Pero huwag naman po ang ganito, please Panginoon ko.“

Nagdaan pa ang mga araw at nananatiling walang pagbabago sa kundisyon ni Ralph. Samantalang si Asher, lumabas na siya ng hospital at araw- araw, oras-oras na nandoon siya sa tabi ni Ralph.

Nagkaroon ng problema sa operasyon ni Ralph at nagulat si Asher sa narinig niya mula sa mga magulang ni Ralph.

“Ash, kelangan naming dalhin si Ralph sa Amerika, dahil doon na siya ooperahan. Sa makalawa na ang flight namin, iha. Kung gusto mo, sumama ka na rin sa amin kung ok lang sa iyo, pero ang inaalala namin, kung kaya mo ng mag-biyahe”, sabi ng mga magulang ni Ralph.

„Wala pong problema dun Tita, Tito. Gusto ku po talagang sumama sa inyo. Gusto ko nasa tabi niya lang ako araw-araw. Gusto ko po paggising niya makita niya ako“, naluluhang sabi ni Asher.

“Alam namin yun, iha. At nagpapasalamat kami at nandiyan ka lagi sa tabi niya. Hindi mo siya iniiwan”, sabi ni Mommy Eva.

“Mahal na mahal po ako ng anak niyo at sobra ko po siyang mahal. Kahit sa saglit na panahon na nagkasama kami, nakita ko sa kanya kung gaano siya kabuting tao. At hindi ko po kaya na mawala po siya”.

At tuluyan ng umiyak si Asher. Nag-usap pa sila ng mga magulang ni Ralph at saka nagpaalam muna siya dahil may aayusin lang siyang mga ibang papeles.

Dumating ang araw na paalis na sila papuntang Amerika. Hinatid siya ni Philippe at Angelie sa airport at nagpaalam na rin ang dalawa sa mga magulang ni Ralph. Nag-hire ang parents ni Ralph ng private plane para sa kanila kasama ang iba pang mga specialists para mamonitor pa rin nila si Ralph.

Mga ilang oras din ang biyahe nila bago sila nakarating sa Amerika at dumiretso na sa hospital kaya halos wala silang pahinga. Buti na lang at magkatabi lang ang hospital at ang hotel kung saan sila naka-book.

Naunang pumunta si Asher sa Hotel dahil nakikipag-usap pa ang mag magulang ni Ralph sa mag doctor na mag-oopera sa kanya kinabukasan.

Nagpahinga lang saglit si Asher at bumalik siya agad sa hospital at saka naman umalis ang mag-asawa at naiwan si Asher sa hospital para bantayan ang kasintahan.

„Malapit na, babe. Lakasan mo ang loob mo, andito lang kami sa tabi mo. Hindi ka namin iiwan. Sana ganun ka din, lumaban ka para sa mga magulang mo at para sa akin“, sabi ni Asher kay Ralph.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon