Previous Page of 2Next Page

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)

spinner.gif

Nang araw na iyon, nagkulong na lamang si Asher sa kanyang kwarto, at maghapon siyang umiiyak dahil sa pangungulila rin nito sa kanyang mga magulang.  Hindi rin nawala sa isipan ni Asher ang mga sinabi ng doctor sa kanya. “Patawarin mo ako Ralph, pero kasabay ng pagkawala ng mga magulang ko ay ang pagkamanhid  nitong puso  ko.”, ani ni Asher sa sarili. Pero alam ni Asher, na kahit kunti ay may pagtingin rin ito sa binata, pero poot ang mas nanaig sa nararamdaman nito.

 

 

 

Habang nag-iimpake si Ralph, hindi niya maiwasan tanungin ang sarili na parang napakabilis ang lahat ng pangyayari. “Shit!! Ang tanga mo Ralph! Alam mong may pinagdadaanan yung tao pero inisip mo lang sarili mo”, sabi nito sa sarili. “Pero hindi rin ako nakakasiguro kung gusto rin niya ako. Pero ang mahalaga nasabi ko na sa kanya kung ano ang tunay kung nararamdaman para sa kanya. Pero marami pa akong gustong ayusin lalo na iyong sa amin ni Angelie.“

 

 

 

Bago bumalik sa Batangas si Ralph, nakipagkita muna ito kay Michael.

 

“Parang biglaan naman yata ito pare”,tanong ni Michael sa kaibigan. Tinignan niya ang kaibigan na malayo pa rin ang iniisip. “Mukhang alam ko na iyang malalim mong iniisip. Babae nanaman. Tuluyan mo na bang iniwan si Angelie, bro?”ani ni Michael.

 

 

“Pare, hirap man aminin pero i think im falling inlove to someone else. Alam mo naman siguro kung anong pinagdadaanan namin ni Angelie. Don’t you?“, balik na tanong nito kay Michael.

 

 

Magkapatid sina Michael at Angelie sa ina. Malapit rin naman ang loob ng mga ito. Halos alam niya ang mag pinagdaanan ng relasyon ng dalawa. At mas naaawa ito kay Ralph dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang kapatid. Kung ibang lalaki siguro matagal ng iniwan si Angelie.

 

 

Pare, siguro ngamas maganda ngang umuwi ka muna sa Hacienda nyo para makapagpalamig ka at doon ka mas makakapag-isip“, sabi ni Michael. „Kung ano man ang magiging desisyon mo, maiintindihan kita. Kilala kita,bro. Huwag mo akong gayahin sa mga pinaggagawa ko“, pagbibiro nito sa kaibigan.

 

Gago ka kasi“, sabi ni Ralph na napapngiti.

 

Pagkatapos makapag-usap ang dalawa, ''Siyanga nga pala, babalik na si Angelie sa susunod na buwan“, pahabol na sabi ni Michael sa kanya. At hindi na rin nagtagal at lumuwas na rin si Ralph papuntang Hacienda. ''Babalikan kita Asher. Gusto ko pagbalik ko, sigurado na ako sa gagawin ko“, bulong nito sa sarili.

 

 

Lumipas ang mga araw at pinili na lang ni Asher na pumasok sa opisina. Dahil kapag nasa bahay lamang siya mas lalo lang siyang malulungkot dahil nandoon sa bahay na iyon ang lahat ng masasayang alaala ng kanyang mga magulang.

 

Magandang araw po ma’am”, sabi ng mga empleyado nila na nakakasalubong niya. Pero ang pilit na ngiti lang ang naisusukli nito.

 

Sinubsob niya ang sarili sa kakatrabaho at halos bahay at opisina lang ang routa nito. Pagdating sa bahay, trabaho pa rin ang inaatupag ni Asher. Dumating na rin sa 'pinas ang kaibigan niyang si Philippe, pero nagkikita lamang sila sa opisina at kung minsan dinadalaw nito ang dalaga tuwing Sabado o kaya Linggo. Kahit anong pilit ni Philippe na yayain lumabas kasama niya, hindi niya ito mapa-oo, kaya isang araw napagtaasan nito ng boses ang kaibigan.

 

 “Huwag mo naman sayangin ang buhay mo Ash! Ganyan ka na ba kamanhid at hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang sarili mo?!”, sabi nito sa dalaga. “Anong gusto mong gawin ko, Philippe?! Magpakasaya!? Mula ng mamamatay ang mga magulang ko, hindi na rin buo ang pagkatao ko! Buong buhay ko dadalhin na sisihin ang sarili ko! Hindi ko basta-basta makakalimutan ang mga nangyari, dahil ako mismo ang nagpasok sa kapahamakan ng mga magulang ko! Lahat ng sulok ng bahay na ito, andiyan ang alala nila!”,sabi ni Asher na umiiyak pa rin. Hinila niya si Asher sa tabi niya, “Sorry best, pero namimiss ko na ang pinakamamahal kung kaibigan.  Sana bumalik na sa akin ang bestfriend ko. Sana dumating  iyong panahon na mapatawad mo ang sarili mo at makalimutan ang masamang panaginip ng kahapon”, sabi ni Philippe at saka niyakap si Asher.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Sarah Geronimoas Asher
Gerald Andersonas Ralph

Who's Reading

Recommended