Chapter II

2.5K 20 0
                                    

Pagka-alala niya lahat, tinawag niya ang kanyang mga magulang.

„Mom, Dad?“.

Pinilit niyang bumangon pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa at may nakakabit na swero sa kanyang katawan.

Ng biglang may pumasok na isang matangkad at matiponong lalaki sa kanyang kwarto.

Kumusta na ang pakiramdam mo?“, sabi ng lalaki.

Nasaan ang mag magulang ko? Sino ka? Bakit ako nandito?”, sunud-sunod na tanong ni Asher na hindi mapakali at kinakabahan.

Ako si Ralph”, maikling sagot nito.

Nasaan ang mga magulang ko??“, pagalit na tanong nito kay Ralph.

Calm down please. I will tell it to you, pero sa ngayon magpagaling ka muna“, nag-aalalang sambit nito.

Hindi ako magsasayang ng oras na nakahiga na lang dito at maghintay!! Pakiusap sabihin mo kung nasaan sila at kung nasa mabuti silang kalagayan, please??“, umiiyak na pakiusap nito.

Hindi namalayan ni Ralph na niyakap niya si Asher, at sinabi niya, “ Sorry”.

Humagulgol si Asher at nagwawala siya sa nabalitaan niya sa nangyari sa mga magulang nito.

Walang nagawa si Ralph kundi tawagin ang kanyang mga magulang. At tinurukan si Asher ng pampakalma para hindi rin bumuka ang mga sugat nito na natamo niya sa aksidente.

Bumagsak ang sinasakyan nilang chopper sa mismong hacienda ng mga Anderson. Habang kumakain ang pamilya ni Ralph sa Garden, nagulat sila na animoy lumindol kaya dali-dali silang pumunta sa hindi kalayuan sa kanilang bahay. Dali-dali nilang tinulungan ang mag nakasakay dito sa tulong ng kanilang mga trabahador sa hacienda. Tumawag na rin sila ng tulong sa sarili nilang hospital para magpadala ng ambulansya. Dahil sila ay pamilya ng mga doctor, nilapatan nila ng pangunang lunas ang mga biktima, habang nirerevive nila ang iba pa.  Dali-dali nila itong dinala ang mga biktima sa hospital pero dead on arrival na ang chopper at ang mga magulang ni Asher. Siya lang ang nakaligtas sa aksidente na iyon.

*Note: sorry, medyo sad po ang story.. :(  

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon