Chapter XXVII

2K 28 19
                                    

“So, you must be Ms. Tua?”, sabi ng lalaki.

“Asher Tua, sir.”

“Pj Pascual. And please call me Pj na lang”, sabay halik sa mga kamay ng dalaga.

Kinakabahan man si Asher, pero hindi na lang siya nagpahalata. Inalalayan ni Pj si Asher sa pag-upo.

“Sir, gusto ko, kasi----“, naputol ang pagsasalita ni Asher nang biglang hawakan ni Pj ang mga kamay niya.

“Pwede bang mag-order muna tayo, please?”, panunuyo ni Pj sa kanya at binawi ng dalaga ang kamay nito sa pagkakahawak niya.

Napapangiti naman ang binata at saka niya tinawag ang waiter at wala ng nagawa ang dalaga. Hindi rin matanggal ang pagkainis ni Asher sa binata at hindi niya alam kung bakit natameme siya siguro dahil hindi pa rin makapaniwala sa mga kinikilos ng kliyente sa kanya. Basta ang alam niya lang, dapat maayos niya ang problema niya dito para sa company at para makasama niya agad ang kasintahan.

Nag-order na sila at nagsalita si Pj.

“So, Ms. Asher, kumusta ka?”, tanong ng binata na nakatitig pa rin kay Asher.

“Sir—“

“I said, Pj”

“Mr. Pascual—“

“Look, hindi ako nakipagkita sa iyo para makipag-date at pakialaman ang buhay. This is business Mr. Pascual, and I don’t want to disappoint my Collegues!” napataas ng kunti ang boses ni Asher.

Nginitian ng binata si Asher. Ngiting nang-iinis.

“Mainit ata ang ulo mo Ms. Beautiful. Paano natin maayos ito kung ganyan ka makipag-ayos sa kliyente mo?”, pangiti-ngiti na sabi ng binata.

“Im sorry, sir—“,

“Please, call my first name”, paglalambing ng binata.

“Ok, para matapos na ito, P---pj”, sabi ng dalaga na naiinis pa rin.

“Much better, Asher”, sabay ngiti sa dalaga.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating na ang pagkain na in-order nila. Habang sila ay kumakain,nag-usap sila ng mahinahon at medyo naging magaan na rin ang pag-uusap nila. Minsan napapangiti rin si Asher sa mga biro ng binata.

Sa isip-isip ng binata „Hindi siya nakakasawang kausapin. Napakaganda niya habang tumatagal“.

Natapos ang pag-uusap nila at nagkasundo sa mag hiniling ng binata. Ipagpapatuloy pa rin ang binata ang nasimulang paag-iinvest sa company nila as long as si Asher lang ang makausap niya kapag nagkaroon ng problema.

„Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa mga iba pang pinag-iinvesan mo?“, natatawang sabi ni Asher.

„No. At ikaw pa lang“, sincvere na sabi ng binata.

Namula naman si Asher sa narinig. Natapos ang pag-uusap nila bago mag- alas tres ng hapon. Tinawagan ni Asher na hindi na siya makakadaan ng opisina.

“Paano, Pj. Kailangan ko na rin umalis”, pagpapaalam ng dalaga.

„Do you mind, kung ihahatid na lang kita?“

“No, thanks. Dala ko ang sasakyan ko”, sabi ng dalaga at nginitian na lang niya ang binata.

“Ok, ingat sa pag-dridrive and see you again”, at ninakawan ng halik sa pisngi ang dalaga.

Nagulat ang dalaga sa ginawa sa kanya ni Pj. Paglingon niya, wala na doon sa tabi niya ang binata.

“Sh§&%!! Napaka! Aaaah!!!”, at dali-dali na siyang pumasok sa kanyang sasakyan at dumiretso siya sa bahay nila.

Samantalang si Ralph, kanina pa niya kinokontak ang dalaga pero laging out of reach ito, naiinis na siya pero wala siyang magawa.

“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, Ash?”, malungkot na sabi ng binata sa sarili na may kunting galit sa dalaga at sa kanyang sarili.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon