THE GIFT

739 13 6
                                    

Dahil doon sa naging news noong isang araw, medyo natatakot na tuloy ako. Sabi naman kasi ni Jaz, hindi niya alam kung sino may gawa dun sa nakitang bangkay sa kabilang barangay. Naniniwala naman ako kay Jaz. Sa tagal ba naming magkakakilala, ngayon lang may nangyaring ganito eh.

"Bakit ka ba tulala dyan Meg?"

"Wala naman Grace. May iniisip lang ako."

Wala pa kasing teacher kaya pwede pa kami mag-usap ni Grace. Si Jaz naman, ayun, nakikinig na naman ng music sa ipod niya.

"Ano iniisip mo Meg?"

"Ahh.. Grace, nabalitaan mo ba yung pinatay last week?"

"Saan?"

"Yung sa kabilang barangay?"

"Ah oo. Alam mo Meg, feel ko ha.. Feel ko lang talaga 'to pero hindi pa naman ako sure.."

Nagtataka naman ako dito kay Grace. Ano ba kasi ang nafe-feel niya at parang pinapatagal pa niya. Ayaw naman sabihin agad. Binibitin ako. >.<

"Kasi feel ko ang may gawa nun ay isang bampira.. Tama bampira!"

"HA?"

Nagulat ako. Oo nga pala, nagre-research si Grace tungkol sa mga bampira. Nake! Sana hindi ko nalang inopen up ang topic na 'to. Mas lalo tuloy na magpupursige si Grace sa pagre-research tungkol sa mga kagaya ni Jaz.

"Nabasa ko kasi Meg na sinisipsip daw ng mga bampira yung dugo ng tao hanggang sa mamatay ito."

"Talaga?"

"Yup! Marami pa nga akong nabasa eh. Alam mo rin ba na----"

"Good morning class."

Hindi na natapos ni Grace ang kinukwento niya ng biglang pumasok si ma'am sa classroom. Nabitin tuloy ako sa sasabihin ni Grace. Ang mabuti pa, si Jaz nalang yung tatanungin ko tungkol dun. Mas alam naman ni Jaz kung ano ang totoo eh. Baka mali-mali yung nakasulat sa mga libro. Dapat direct to the source talaga. :]

After namin maglunch, ayun na naman si Grace nagmamadali na namang pumunta sa library para gawin yung research niya.

Naiwan na naman kami ni Jaz dito. Tambay muna kami dito sa hallway. Dumaan naman yung si Tom. Napatingin sa may bandang kinatatayuan namin ni Jaz. Ang tulis ng tingin niya kay Jaz at ganun din naman si Jaz sa kanya. Magkakilala ba sila? O magkagalit? Bakit ganun sila magtinginan? Lumagpas na si Tom.

*poke*

"Jaz, magkakilala ba kayo ni Tom?"

Hindi siya nagsalita. Bakit kaya? Anong meron sa kanilang dalawa?

"Hoy Jaz!"

"..."

"Anong meron sa inyo ni Tom?"

"Wag kang lalapit dun sa Tom na yun Meg."

"Ha? Bakit Jaz?"

Naguguluhan na talaga ako. Kanina iba yung tinginan nila ni Tom tapos ngayon pinagbabawalan nya ba akong lapitan si Tom? Hindi naman talaga ako lalapit dun, hindi kami friends noh.

"Basta Meg. Wag kang lalapit, makikipag-usap sa kanya."

Kahit naguguluhan ako, tumango nalang ako. Mukha kasing ang seryoso ni Jaz eh. Ayoko na lang siya kulitin na sabihin sa akin kung bakit. Siguro may misunderstanding sila ni Tom na hindi ko lang alam.

"Pasok na tayo sa classroom. Maya-maya darating na si ma'am."

"Sige, tara Jaz!"

Pumasok na kami at umupo na. Nilagay na naman ni Jaz yung earphone ng ipod niya sa tenga niya. Tinitignan ko lang siya. Bakit parang may iniisip si Jaz na hindi ko maintindihan? Ano kaya yun? Nakakacurious talaga.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon