JELLY ACE 3

438 8 1
                                    

Baliw na ba ako? Bakit lage nalang bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Tom kahapon? Ayt! Binabaliw mo ako Tom ha!! Tsk! Totoo kaya yung sinabi niya o baka inaasar lang niya ako? Baka wala lang siyang magawa. Iniwan na siguro siya nung mga babae nya kaya dito na naman siya sa akin. Grrr. Nakakainis isipin!! 

"Waaaaaaaahhh!!!"

Oppss! Nabaliw na talaga ako. Napalingon tuloy si Jaz sa akin. Okay Meg, ihanda mo na ang explanation mo. 

"Bakit ka ba sumisigaw dyan?"

"Wala Jaz. Hehe. Sige na ituloy mo na ginagawa mo."

"Ano nga? Alam ko may tinatago ka sa akin. Ano ba yun?"

Mapilit talaga 'tong si Jaz kahit kailan. Tsk! Paano ko pa sisimulan? Hmm.. Isip-isip Megan. Teka nga! Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama ah. 

"Kasi Jaz ganito yun. Si Tom kasi.."

"Si Tom? Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka niya?"

"OA ka naman magreact Jaz. Hindi niya ako sinaktan noh pero may sinabi siya na hindi ko maalis sa isip ko."

"Eh kung ganun, ano yun?"

"Sabi niya kasi nagseselos siya kasi mahal niya ako."

"Oh tapos?"

"Jaz!! Nakikinig ka ba? Sabi niya MAHAL niya ako."

Kailangan ko pa ba i-emphasize yung word na mahal para mapansin ni Jaz? Parang wala lang kasi sa kanya eh.

"So? Diba matagal na naman natin alam na may pagtingin yang si Tom sa'yo?"

"Iba kasi yung ngayon eh. Nagseselos daw siya kasi kasama ko si Rey kanina. Tapos bigla lang niya akong niyakap pero kumawala naman ako agad. Kaya ayun nasabi niyang nagseselos siya."

"Eh di parehas pala kayong nagseselos."

"HA? Hindi naman ako nagselos ah. Never!"

"Weh? Nagselos ka kaya nung nakita mo si Tom may kasamang babae. HAHAHA."

"Jaz naman eh. Anong gagawin ko?"

"Wala. Ano bang gagawin mo? Hayaan mo si Tom. Eh sino ba mas gusto mo? Si Tom o yung Rey?"

"Ewan ko."

"Alam mo Meg, tanungin mo ang puso mo. Lakas ng tibok eh. HAHAHA."

"Jaz talaga oh. Namomroblema na nga yung tao eh, di mo padin ako sineseryoso sa sagot mo."

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon