HIS INTENTIONS

527 12 12
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung makita namin ni Jaz na wala ng buhay si Luke, na yun pala ang totoong ama ni Miss Bree. Simula din nung araw na yun, hindi ko na nakikita si Miss Bree. Kamusta na kaya siya ngayon? Isali na din natin yung tinatawag nilang Vivian. Hindi ko siya kilala pero sabi ni Jaz, kilala daw ako nung Vivian. TToTT Ewan ko din kung bakit niya ako kilala!

Ngayong patay na si Luke, siguro ligtas na ako. Hindi ko na kailangan pang mag-ingat. Pero naiisip ko si Tom. Kamusta na kaya siya ngayong patay na ang nag-iisa niyang kapatid? Nakita ko siya kahapon dun sa quadrangle, nagpraktis sila ng sayaw. Sa tingin ko naman okay lang siya.

Ilang araw na din hindi pumapasok si Grace. Hindi ko na siya nakikita simula nung binigay niya ako kay Luke. Alam na kaya niya na wala na si Luke? Kamusta kaya siya? Nag-aalala naman ako sa kanya. Sana pumasok na siya para makamusta ko naman siya.

"Meg!"

May tumatawag sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Papasok na kasi sana ako ng classroom eh kaya lumingon ako sa likuran ko. Si Tom? TT.TT

"Kanina pa kita hinahanap."

Hinahanap niya ako? Bakit? Sisisihin nya ba ako sa pagkamatay ni Luke? Sasaktan ba niya ako? Pero hindi naman talaga ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Luke, diba? Yung Vivian naman talaga eh. Kaya tinignan ko nalang siya. Hindi ako nagsasalita.

"Pwede ba kita makausap mamaya? After ng klase?"

Napansin siguro ni Tom na tumaas ang dalawa kong kilay! Totoo bang gusto niyang makipag-usap sa akin? Pero bakit? Bakit mamaya pa? Hindi ba pwedeng ngayon na? May ibang balak bang gawin si Tom sa akin?

*bell ringing*

"Please Meg? I just need to tell you something!"

"Tom, you need to go! Late ka na."

"Hihintayin kita sa rooftop mamayang hapon."

Yan ang huling sabi niya bago siya umalis. Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Tsk! Pumasok nalang din ako ng classroom. Nakikita ko na kasi yung teacher ko parating na.

Buong araw kahit nagle-lesson yung teacher namin, hindi ako nakikinig. Si Tom pa din kasi yung naiisip ko eh. Yung sinabi niya kanina. Bakit ba gusto niya akong makausap? Anong gusto niya? Pupunta ba ako? Baka hindi nalang. Pero paano ko malalaman kug hindi ko siya pupuntahan? Aisshhh. Bahala na nga!

***BSF***

*bell ringing*

"Okay class. See you next week! Yung assignments nyo huwag nyong kalimutan!"

"Yes ma'am!"

Sabay-sabay naman sumagot ang mga kaklase ko. Isa-isa na din silang lumabas. Pero ako? Eto, nakaupo pa din. Hindi ko alam kung uuwi na ba ako ng deritso o pupuntahan ko si Tom sa rooftop. Ano bang dapat kong gawin? Tawagan ko kaya si Jaz? Tss. Wag na! Baka mag-alala pa yun.

Heto ako ngayon, dinadala ng dalawang paa ko papuntang rooftop. Totoo ba 'to? Makikipag-usap ako kay Tom? Nasa harap na ako ngayon ng pinto ng rooftop ng bigla itong bumukas. Kaya wala na akong nagawa. Andito na talaga ako sa rooftop. Nakikita ko si Tom, nakatalikod. Pinapanuod ang mga estudyanteng naglalakad papuntang parking lot, yung iba papuntang gate kasi hindi naman lahat ng estudyante may sasakyan.

"Salamat sa pagpunta mo Meg."

Kahit nakatalikod siya, alam niya na ako yung dumating? Grabe! Ikaw na talaga Tom.

"Ano bang gusto mong sabihin tom?"

Unti-unti naman akong lumapit sa kanya. Tumayo ako sa tabi niya. Kaya ngayon, kita ko na din yung mga estudyante. Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Grace? Nakatayo kasi siya sa ilalim ng isang puno. Nakatingin siya sa rooftop. Nakatingin siya sa amin ni Tom?

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon