HAPPY BIRTHDAY

489 9 5
                                    

"Bakit ka ba ngiti ng ngiti dyan? Nababaliw ka na ba?"

"Hindi ah. Ito namang si Jaz oh, makasabi ng nababaliw kala mo totoo. Hmp!"

"Eh totoo kaya! Tignan mo nga yang mukha mo dyan. Sa halip na isubo mo yang pagkain, tinititigan mo pa. Anong meron?"

Kumakain kasi kami ni Jaz. Eh! Ewan ko ba bakit ko tinititigan itong pagkain. Naiisip ko kasi si Tom eh. Hindi siya maalis sa isipan ko. Kahapon kasi nag-usap kami sa school bago ako umuwi. 

*flashback*

"Meg, hintayin kita sa roof top mayang hapon ha bago umuwi."

"Ha? Bakit naman? Anong gagawin natin dun?"

"May sasabihin sana ako sa'yo. Please? Maghihintay ako."

"Ehh. Sige."

Nginitian naman ako ni Tom bago siya umalis. Naiwan kami ni Grace sa canteen ngayon. Nang tignan ko naman si Grace, pigil naman itong tumawa. Anong meron?

"Uy Grace! Ano ba?"

"Hmmmpppffffff."

"Bakit ka ba ganyan? Anong nakakatawa ha?"

"Alam mo Meg? Hindi ka ba talaga nakakahalata?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tss. Mamaya malalaman mo din. Tara na nga baka ma-late pa tayo. HAHAHA."

Tignan mo 'tong si Grace, ayaw na nga sabihin kung ano yung ibig niyang sabihin sa sinabi niya tapos para naman ewan kung makatawa. Kaya pagkatapos ng klase namin, pumunta na ako sa roof top. Nakita ko naman agad si Tom doon. Lumapit ako sa kanya.

"Oh Tom, ano bang kailangan mo?"

"Upo ka muna."

Umupo naman ako. Masunuring bata eh. Teehee. >_<

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Tom, naghihintay si Jaz sa akin sa bahay eh. Bilin pa naman nun uwi ako ng maaga kasi may-------"

"I love you Meg."

ANO? Napatigil naman ako sa pagsasalita ko at napatingin kay Tom. Totoo ba yung narinig ko? Nag-I love you siya sa akin? Weeh? Seryoso ba siya sa sinabi niya? TToTT

"Meg, matagal ko ng nararamdaman 'to at sa tingin ko ito na ang tamang panahon dahil hindi ko na kayang itago pa. Megan, mahal kita. Mahal na mahal."

Wala na! Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang shock siguro? O sa sobrang kaba? Basta ewan ko, speechless ako! >:D

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon