SAVIOR OR NOT

585 12 4
                                    

"Naguguluhan talaga ako Jazmine..."

"Pati nga din ako Bree.. Hanggang ngayon wala pa ding malay si Anne, pati na si Meg! Mabuti nalang at unti-unti ng naghihilom yung sugat ni Anne!"

"Oo nga eh. Ang pinagtataka ko lang din.. Bakit hanggang ngayon wala pa si Rick!"

"Magkasama ba sila?"

"Oo! May nabalitaan kasi si Rick na may pinatay daw doon sa liblib na bayan.."

"Tapos? Bakit niya naman pinuntahan?"

"Jazmine, hindi basta-bastang pinatay lang..."

"Anong ibig mong sabihin Bree?"

"Megan! Gising ka na pala!"

Patay! Nakita ako ni Miss Bree. Makikinig lang muna sana ako sa pag-uusapan nila Jaz at Miss Bree eh. Tss! Nabuking tuloy ako. Dahan-dahan naman akong bumangon sa pagkakahiga dito sa couch. Nawalan pala ako ng malay.

"Meg! Are you okay?"

"Hmm.. Ss-si Anne po?"

"Mahiga ka nga muna dyan Meg. Okay na si Anne. Salamat sayo!"

"Mabuti naman Jaz! Akala ko hindi kasi hindi ko siya magagamot.."

Niyakap naman ako ni Jaz. Halatang nag-aalala kasi siya sa akin. Bigla ba naman akong himatayin. Napagod kasi ako masyado. Tapos ang sakit pa ng ulo ko. Ganito ba talaga?

"Pupuntahan ko muna si Anne. Titignan ko kung gising na siya."

"Sige, sige."

Umalis na si Miss Bree at pumasok sa kwarto malapit dito sa living room. Sinarado na ni Miss Bree yung pintuan ng kwarto. Hinwakan ni Jaz yung noo ko.

"May lagnat ka ah."

"Naku! Wala lang 'to Jaz.."

"Hindi! May lagnat ka talaga!"

"Ang OA! Okay nga lang ako.. Iinom nalang ako ng gamot mamaya. Napagod lang ako sa ginawa ko kanina."

"Kanina? Baka ang ibig mong sabihin, KAHAPON!"

"HA? KAHAPON?"

"OO NGA KAHAPON.. Ang kulit!"

"Kaya pala ako nagugutom kasi kahapon pa ako walang kain.. HEHE."

"Tsk! Tara na nga sa kusina at ipagluluto kita."

"Tara! Gutom na kasi talaga ako."

Kaya eto, andito kami sa kusina ni Jaz. Umupo ako dito sa may round table tapos si Jaz busy sa pagluluto. Pinagluto niya ako ng.. Pinagluto niya ako... Ano bang niluluto ni Jaz? Tss.

"Ang tagal naman niyan Jaz. Gutom na yung baby dragons sa tiyan ko oh!"

"Saglit lang! Malapit na 'to.."

"Wow! Ang bango naman niyan.."

Naamoy ko kasi yung niluluto ni Jaz. Parang ang sarap kainin. Amoy pa lang ulam na. Hahaha. Hihintayin ko nalang saglit. Saglit na naman lang daw eh!

"Eto na! Punta na tayo dun sa dining area.."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad papuntang dining area. Sobrang gutom ko na talaga. Sumunod naman sa akin si Jaz, dala-dala yung pagkain na niluto niya.

"Ano ba 'tong niluto mo Jaz? Bakit kailangan may patakip-takip ka pa dyang nalalaman?"

"Hulaan mo muna!"

"Haist! Maghuhulaan pa ba tayo? Eh gutom na gutom na nga ako eh!"

Hindi pa ba obvious na gutom na ako? Bakit ba kailangan pang hulaan? Tsk! Tsk! Si Jaz talaga oh.. Pinapatagal pa niya, gutom na nga yung tao!! ~.~

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon