JELLY ACE 2

436 8 0
                                    

Naiisip ko pa din yung sinabi ni Jaz sa akin kagabi. Nagseselos daw ako? Weh? Talaga lang ha? Tss. Nakakainis! Mas lalo akong nainis, hindi lang kay Tom pati na din sa sarili ko. NAKAKAINIS talaga!!

"Hoy Meg! Napano ka ba?"

"Ha? Wala naman Grace. May iniisip kasi ako."

Bati na pala kami ni Grace. Kinausap ko siya kanina. Hindi naman daw siya galit sa akin kahapon, wala lang daw talaga siya sa mood. Kaya din nag-absent siya para magkulong sa kwarto niya. Oh diba, ang ganda ng reason niya? Aisshh!

"Ano iniisip mo? Uy Megan ah, wag mong sabihin iniisip mo si Tom?"

"HA? Hindi ah!"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Grace. Bakit niya alam? Haha. Wala naman siyang kakayanan na basahin ang utak ko ah. Hindi naman lahat ng vampires nagkakaroon ng kakayahan katulad kay Jaz.

"Eh kung hindi si Tom, sino? Ano?"

"Ako ba pinag-uusapan niyo ha?"

Bigla namang sabat ni Tom. Kainis ha! Bakit siya andito? Ay nakalimutan ko, andito pala kami sa canteen. Syempre pwedeng magpunta si Tom dito kasi lunch na at alam nya dito kami tumatambay ni Grace kapag lunch. Arghh!

"Excuse me?" Me

"Narinig ko kasi pangalan ko eh." Tom

"Itong si Meg kasi eh kanina pa tulaley. Hindi naman sinasabi kung ano iniisip niya kaya akala ko ikaw ang nasa isip niya. Hahaha." Grace

"Oh kaya naman pala. Miss mo na ako Meg? HAHAHA." Tom

"Mga baliw!" Me

Sarap iuntog ang mga ulo ng mga bampirang 'to. Nakakainis! Kung makapang-asar. Itong si Tom naman sobrang feeler. Eesshh! Makaalis na nga dito at baka hindi ako makapagpigil at mabatukan ko 'tong si Tom. Kaya tumayo na ako.

"Dyan na nga kayo!" Me

"Uy Meg!! Joke lang yun." Tom

"Meg! Hintayin mo ko." Grace

Bahala kayo sa buhay nyo. Naiinis talaga ako. Hmm. Saan kaya ako tatambay ngayon? Ah doon nalang sa may garden, nasa likod ito ng science department.

Malapit na ako sa garden. Doon nalang ako uupo sa may bandang ilalim ng kahoy. Maganda doon kasi hindi maiinit tsaka medyo malamig din ang hangin. Kaya nagpunta na agad ako doon sa ilalim ng puno at naupo sa damuhan.

'Ano kayang gagawin ko dito?' Tanong ko sa sarili ko. Ah! Magbabasa nalang ako. Kinuha ko yung libro ko sa bag, yung libro na bigay sa akin ni Miss Bree. Dinadala ko kasi ito minsan kapag konti lang ang laman ng bag ko. Nagsimula na akong magbasa.

Hindi ko namalayan ang oras at nag-enjoy ako kakabasa ng biglang tumunog yung bell. Hala ka na! Late na ako sa susunod kong klase kaya agad akong tumayo at tumakbo papuntang classroom.

Dahil sa bilis kong tumakbo parang runner lang.. Hihihi.. May nabanggal akong lalaki. Paharang-harang kasi sa daan eh kitang nagmamadali yung tao. Argh! Nahulog tuloy ang dala kong mga libro.

"Sorry Miss."

Hindi ko siya sinagot, busy ako sa pagpulot ng mga libro ko. Nang aakma na akong tatayo bigla naman akong na out of balance at matutumba na ako. Kamalasan na itooo! Nakakainis!! 

O_O

Hindi ako natumba? Talaga? Oh! Sinalo ako. Sino ang sumalo sa akin? Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko ang mukha ng isang lalaki. Bigla akong nahiya!! O.o Geez! Agad akong humiwalay sa kanya at tumayo ng maayos.

"Thank you."

Nginitian ko siya. Ang gwapo niya! Bakit ngayon ko lang siya nakita dito sa school? Aishh! Megan, tumigil ka nga! 

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon