GUY NEXT DOOR

576 11 4
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula noong namatay si Rick. Inaalala ko talaga si Miss Bree pero lalong lalo na si Jaz. Mahirap sa kanilang dalawa ang mawalan ng taong minamahal. Alam ko yun kasi yun yung naramdaman ko nung namatay si Mama. 

Sabi ni Anne, dahil siya yung lage kong nakakausap, lage daw nagmumukmuk si Jaz sa kwarto niya. Si Miss Bree naman, papasok na daw ngayon kaya eto ako, hinihintay siya sa labas ng faculty office. Kakatapos lang ng flag ceremony pero wala pa din si Miss Bree.

"Hoy Meg! Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako sa nagsasalitang si Grace. Iniwan ko kasi siya kanina pagkatapos ng flag ceremony. Kailangan ko lang kasi talaga makita si Miss Bree. Hindi ako mapakali eh.

"Hinihintay ko kasi si Miss Bree.. May itatanong lang sana ako!"

"Ahh ganun ba? Hindi mo naman sinabi. Akala ko tuloy kung saan ka na nagpunta!"

"Eh saglit lang naman ako Grace. Sige na, mauna ka na sa classroom.."

Nakikita ko na kasi si Miss Bree na naglalakad papunta dito sa kinatatayuan namin ni Grace. Kumaway naman si Grace sa akin at umalis na. Sinalubong ko naman si Miss Bree.

"Miss Bree.."

"Megan! Bakit?"

"Wala po. Gusto ko lang po kayong kumustahin!"

Ngumiti siya pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila. Hindi ko siya masisisi kung yun ang nararamdaman niya ngayon.

"Okay lang ako! Nakausap mo na ba si Jazmine?"

"Hindi pa nga po eh! Sabi ni Anne lage daw nasa kwarto niya.."

"Puntahan mo siya mamaya.."

"Sige po. Pupuntahan ko po siya!"

Balak ko naman talagang puntahan si Jaz eh. Kahit noong huling kita ko sa kanya pinagtabuyan niya ako. Naiintindihan ko pa din siya. Hindi madali ang pinagdadaanan niya. Kaya gusto kong andun lang ako sa tabi niya.

"Okay, sige Megan. Pumunta ka na sa classroom mo at baka ma-late ka pa!"

"Opo Miss Bree. See you po mamaya!"

"Hmm.."

Tumakbo na ako papunta sa classroom. Buti na lang wala pa si sir kundi lagot ako. Stricto pa naman si sir. Umupo na ako sa tabi ni Grace. Kinuha ko na yung libro ko na nasa bag at sinimulang magbasa-basa. Wala kasi akong magawa.

"Meg, nakita mo na ba yung new guy?"

"Ha? Sinong new guy?"

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon