ANOTHER ONE

697 12 3
                                    

Ang saya ko ngayon. Dahil weekend na naman pwede ako magstay kina Jaz. Sa bahay ng ate ko. Wooshoooo. @_@

"Megan!!"

"Bakit po ma?"

Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Ano kaya ang kailangan ni mama sa akin? Nakita ko naman akong sandwiches na binabalot niya. Para saan naman kaya yun?

"Penge po ako isa ma."

Kinuha ko naman agad yung isang sandwich at kinagat. Sarap kasi tignan eh, mas lalo naman na masarap itong kainin. Hohoo!

"Wag mong ubusin 'to Meg."

Halaa! Para kanino naman kaya itong mga sandwiches na ito? Bakit ayaw niya ipaubos sa akin? May pagbibigyan ba nito si mama? -_-

"Eh ma, ang dami naman kasi nito oh. Para kanino po ito?"

"Kay Jaz... Ibigay mo 'to sa kanya pagpunta mo sa kanila."

Kay Jaz? Bakit naman biglang ginawan ng sandwich ni mama si Jaz? Ano kayang meron? Siguro para meryenda namin dun kina Jaz.

"Opo mama."

"Oh sige na Meg. Basta ha mag-ingat ka."

Binigay naman ni mama sa akin yung nilagyan niya ng sandwiches. Kinuha ko naman at umalis. Si mama talaga ang concern niya kay Jaz. Ayaw din kasi niya na nagugutom si Jaz.

***BSF***

"Jaz???!!"

Tawag ko naman kay Jaz. Andito na kasi ako sa labas ng bahay niya. Kahit every weekend akong andito sa bahay niya pero kapag andito ako sa labas natatakot parin ako. Parang kung may ano kasi.. Yung parang may nakatingin sa akin. Kaya mas nakakatakot eh.

"JAZ! Andyan ka ba?"

Bakit walang sumasagot? Wala bang tao? Wala ba si Jaz? Saan naman kaya siya nagpunta? Whoa! Ano yun?

"Jaz?! Ikaw ba yan?"

May nakita kasi akong tao sa bandang kakahuyan. Tsk! Natatakot na talaga ako ah. Pero sure ako hindi si Jaz yun.

Uuwi na lang ako. Wala naman si Jaz eh. Pero ano ba yun? May tao talaga sa kakahuyan eh!

Kaya kahit takot ako, lumapit parin ako sa kakahuyan. Isa kasi akong dakilang curious. Kapag napahamak ako, lagot talaga ako nito. Pero bahala na nga, andito na ako oh. Sinusundan ko yung.. Ewan! Ano ba kasing sinusundan ko dito? Whoaaaaaaa..

"Sino ka?!"

May nakita kasi akong tao na nakatayo sa ilalim ng kahoy. Pero bakit biglang nawala? Halaa! Andun na naman siya sa kabilang kahoy. Tapos nawala na naman. Napaikot ikot tuloy ako. Hinahanap kung saan na siya nagpunta.

"Sino ka ba?"

Andun na naman siya sa may likod ko pero medyo malayo siya sa akin. Sino ba kasi siya? Bakit ang bilis niya? Para lang siyang si Jaz. Pero alam ko hindi siya si Jaz. Natatakot na talaga ako.

At mas natakot pa ako ng humakbang na yung tao papalapit sa akin. Tsk! Ano ng gagawin ko? Eh di sa sobrang takot ko, tumakbo nalang ako.

"WAAAAAAAAAAAAAHHH."

Parang wala naman kasing makakarinig sa akin dito eh. Mamamatay na ba ako? Kakainin niya ba ako?

"WAAAAAAAAAHHH.. TULONG!!!"

Kahit siguro anong sigaw ko dito walang tutulong sa akin. Asan na ba si Jaz? Huhu. :[[ Takbo parin ako ng takbo. Binilisan ko pa ang pagtakbo pero bigla nalang akong napahinto ng makita ko yung tao na nasa harapan ko na. Hindi ko maaninag yung mukha niya pero sure ako nakita ko na siya.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon