JAZ POV

628 9 4
                                    

Ngayong wala na si Tita, siguro mas mabuti ng malaman ni Meg ang buong katotohanan. Pero bago ko gawin yun, kailangan kong malaman kung sino ang may gawa ng lahat ng ito. May kutob na akong si Luke ang may utos kasi namumukhaan ko ang taong iyon.

"Saan ka pupunta Jazmine?" 

Tanong sa akin ni Bree habang papalabas ng bahay. Pupunta ako sa lugar kung saan nagtatago si Luke. Alam ko na hindi dapat ako naghihidanti pero kailangan kong malaman ang katotohanan. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko sinagot si Bree.

"JAZMINE!!"

Narinig ko namang tinatawag ako ni Rick. Haist! Napahinto tuloy ako.

"Saan ka ba pupunta? Diba dapat binabantayan mo ngayon si Meg?" Rick

"Oo nga Jazmine. Anong bang plano mo?" Bree

"Andun naman si Anne para bantayan si Meg. Wag kayong mag-alala." Me

Hahakbang na sana ako ng harangan ako ni Rick. Nagulat tuloy ako. Alam ko naman na hindi sila papayag sa gagawin ko. At wala na akong plano pang magpaliwanag.

"Hindi ka pwedeng umalis." Rick

"Kailangan kong gawin 'to Rick." Me

Tinignan ko si Rick sa mata. Alam ko maiintindihan niya ako. Malamang kung siya ang nasa sitwasyon ko, ito rin ang gagawin niya. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin at tumingin kay Bree na nasa likuran ko. Siguro nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Sasamahan kita." Rick

"Wag na.. Kaya ko ang sarili ko Rick!" Me

"Pasamahin mo na si Rick Jazmine.. Please!" Bree

Alam ko na nag-aalala sila sa akin pero hindi naman kailangan na sumama pa si Rick eh. Baka kung anong mangyari doon sa pupuntahan ko madamay pa si Rick.

"Tayo na!" Rick

Okay! Wala na talaga ako magagawa. Si Rick na nga ang nagyaya na umalis na kami eh. Nilingon ko nalang si Bree at tumango sa kanya bilang pagpapaalam. 

"Kami na muna ang bahala kay Megan.."

Yan ang huli kong narinig na sinabi ni Bree bago kami umalis ni Rick. Magkatabi kami ni Rick ngayon habang mabilis na tumatakbo na para na tuloy kaming lumilipad at pamapatong sa mga sanga ng kahoy na nadadaanan namin. Iwas dito, iwas doon para hindi mabangga sa mga kahoy. Para kasi kaming nag-uunahan ni Rick na makarating sa pinagtataguan ni Luke.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo Jazmine?"

"Oo Rick. At sana hindi ka nalang sumama.."

"Pwede ba yun? Kapatid kita kaya sasamahan kita."

Hindi na ako sumagot. Baka kasi kapag sumagot pa ako, mawala na ang konsentrasyon ko. Mabilis pa din kaming tumatakbo ngayon. Napahinto ako bigla. Nakikita ko na kasi yung bahay kung saan nagtatago si Luke at ang mga tauhan niya. Huminto naman si Rick at tumayo sa tabi ko.

"Panigurado wala si Luke ngayon dyan.."

"Hmm.."

Kapag umaga kasi, pumupunta si Luke sa bahay ni Tom kaya naiiwan yung mga tauhan niya dito. Wala kasi silang sing-sing kaya hindi sila pwedeng lumabas kapag may araw pa. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit yung pumatay kay Tita nakalabas siya ng umaga. Yun ang aalamin ko.

Lumapit na kami sa bahay. Nagmamasid. Humahanap ng pagkakataon na makapasok sa bahay.

"Jaz, dahil hindi naman nila ako kilala.. Ako muna ang haharap sa kanila."

"Pero Rick ---"

"Magtago ka muna. Ako na ang bahala."

Nagtago muna ako sa medyo malayo kay Rick para hindi mahalata ng mga tauhan ni Luke na may kasama si Rick. Narinig kong kumakatok si Rick sa pinto ng bahay. Ano bang plano ni Rick? Tsk! Sana tinanong ko muna. Bumukas naman ang pinto. Isang matandang babae ang nagbukas.

BEST SISTER FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon