Chapter One

56.8K 1.1K 34
                                    


Present

"THANK you for flying with us, Ma'am, and welcome to Davao City," bati ng isang airline company crew nang makababa na ng eroplano si Lili. Ginantihan niya ito ng isang ngiti. Ang crew ay buong paghangang sinundan ng tingin ang dalaga.

Duryan's exotic scent filled the air. Napangiti siya sa sarili. Gusto niya ang amoy ng duryan at paborito niya ang famous fruit ng Davao and she couldn't wait to devour the exotic fruit.

Hindi nagtagal ay sakay na siya ng air-conditioned van ng Victoria Hotel na tutuluyan niya kasama ang ilan ding local tourists. Nasa Maynila pa lang siya'y ginawa na niya ang reservation na ito and was informed by the hotel personnel na may sarili itong van na maghihintay sa mga guest.

Nasa labas ng bintana ang paningin niya at pinagmamasdan ang wala namang pagkakaibang tanawin sa abalang kalye sa Maynila. Bagaman napuna niya ang malinis na mga daan. Walang nagkalat o nakatumpok na basura. Iyon ang isang malaking kaibahan.

Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa pagbaba pa lamang niya ng eroplano. Damdaming hindi niya kayang bigyan ng pangalan. Something like loneliness. Or something like a sense of belonging. Which is absurd. How could she feel a certain belonging to a place she is visiting for the first time in her life?

So she decided it must be more on loneliness. Hindi nga ba at kaya siya narito ay upang libangin ang sarili matapos ang trahedya sa buhay niya at sakit ng dibdib?

Maraming magagandang lugar siyang pinagpilian, tulad ng Paso de Blas na nasa isang isla malapit sa Palawan. She was almost tempted to get there, lalo na nang makita niya sa brochure ang eksotikong isla na may mga puting buhangin. She even thought of Baguio and Banaue and Cebu. Though why she picked Davao among other places beat her.

Maybe she wanted to get away as far as she could. At malayo ang Davao sa mga lugar na pinagpilian niya. At hindi niya gustong mag-abroad mag-isa. And she had never been abroad. Bagaman ipinangako iyon ng mga magulang niya sa kanya sa sandaling magtapos siya ng pag-aaral.

Two months ago, she wouldn't have thought of coming in this place. Napakaraming nangyari sa loob lamang ng nakalipas na dalawang buwan....

HER parents owned a Jewellery in Bulacan. Isa sa mga kilala ang mga magulang niya sa bayang iyon bilang mag-aalahas. Dating mahirap ang mag-asawang Remigio at Elvira. Magbubukid lang kung tutuusin. Pinalad sa negosyong alahas, tulad din ng ilan nilang mga kababayan.

Noong isang taon ay nagpa-bypass operation sa puso ang papa niya na sa halip na gumaling ay hindi na nagkamalay sa ICU. Totoo namang sinabi ng mga doktor na mamamatay ang ama niya kung hindi magpapaopera and so her father decided to take the risk. Pero hindi nito nakayanan ang operasyon and went into coma. At makalipas ang tatlong araw ay namatay rin.

Hindi biro ang halagang ginastos sa operasyong iyon. At dahil ang ama niya ang talagang utak ng negosyo nila ay nahirapan si Elvira sa pagpapalakad sa alahasan. Maraming dahilan kung bakit humina ang negosyo. Ang pagtaas ng dolyar. Mga ahente nila sa alahas na hindi agad makapag-remit ng sales sa kung ano-anong kadahilanan. At kung ano-ano pang kaakibat ng negosyong alahas. Higit sa lahat ay hindi naging maingat si Elvira. Hindi birong halaga ang na-swindle dito.

"'Ma," isang gabing nagliligpit ang ina sa opisina nito. Isang bungalow style na bahay ang katabi ng talagang bahay nila ang pinakaopisina ng mga magulang at pagawaan ng mga alahas. "Totoo ba iyong nababalitaan ko tungkol sa—"

Hindi pinatapos ni Elvira ang sinasabi ng anak. Iwinasiwas ang kamay sa ere at ngumiti. "Na na-swindle ako? Iyon naman talaga ang panganib sa trabahong ito, 'di ba, hija? Kaya walang nakapagtataka roon. Sa alahas din natin mababawi iyon. Dumating iyong mga bato at ginto kahapon mula sa supplier..."

Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed)Where stories live. Discover now