Chapter Three

37.2K 883 4
                                    


"I KNOW you hated this place, so what are you doing here watching the whole city in fascination?" Animosity at sarcasm ang nakapaloob sa tinig na iyon.

"Bitiwan mo ako!" protesta ng dalaga at sinikap na kumawala sa pagkakahawak ng estranghero sa mga balikat niya. Subalit bago pa niya maialis ang mga kamay nito sa balikat niya'y pakabig siyang iniharap ng lalaki. Pagkabig na nagpangyaring halos makulong siya sa mga bisig ng kung sino mang estrangherong ito.

Natilihan ang dalaga. Sinalakay ang ilong niya ng mabini subalit panlalaking cologne na humalo sa sariling amoy ng lalaki. Something very sensual that she felt like wilting in his arms. She cursed herself. Para siyang iyong babae sa commercial ng isang panlalaking deodorant.

Umaasa siyang bibitiwan siya nito sa pagharap niya at matanto ang pagkakamali. Subalit unang bumulaga sa paningin niya ang dibdib nito. Hindi lang basta dibdib but a broad male chest in a tight-fitting Armani shirt. Malamig at malakas ang ihip ng hangin dahil nasa pinakamataas na bahagi sila ng siyudad subalit bigla siyang nakadama ng init gayong kani-kanina lang ay nilalamig siya.

Naglakbay ang mga mata niya paitaas, breathlessly conscious of the hard-packed muscles that mould her against him. Tumaas pa uli ang mga mata niya hanggang sa mapilitan siyang tumingala para makita kung sino ang may-ari ng matitipunong bisig na nakayakap sa kanya na tila ba mayroon itong karapatang gawin iyon.

Sinalubong siya ng mapang-uring mga mata. Na ang pagkakatitig sa kanya'y tila laser na gustong manuot hanggang sa buto niya. And the way he was gazing at her reminded her of a wild and predatory cat that she saw at the Park this afternoon. Napuna niyang nagpipigil siya ng hininga habang paulit-ulit na hinahagod ng mga mata niya ang mukha ng lalaki.

An ordinary male face na hindi niya titingnan uli kung makasalubong man niya sa mall.

Ang buhok nito'y maiksi at maayos ang pagkakasuklay bagaman may ilang hiblang bumabagsak sa noo nito dahil sa ihip ng hangin.

She imagined him in a shaggy hair and decided that he would look better on it. Hindi bagay rito ang clean-cut style.

Bumaba ang mga mata niya sa aroganteng mga kilay na nagsasalubong... iniwasan niya ang mga matang alam niyang galit. Kung sino man iyong ipinagkamali sa kanya, she's sorry for her. Though she wasn't sorry for herself that she was in his arms right this moment.

Mula sa tuwid at may-katangusang ilong ay hindi maiiwasang hindi bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. The kind of lips that was... made entirely for kissing.

Napakurap siya sa naisip. Mula nang magpakasal sa iba si Calvin, iyon ang kauna-unahang pagkakataong nag-isip siya ng sensual sa isang lalaki, mula sa amoy nito hanggang sa mga labi.

"Well...?" ang lalaki sa nababagot na tono. Ang mga mata'y naniningkit sa pagkakayuko sa kanya. How she hated tilting her head para lang tingnan ito, "Kailan ka dumating? Ano na naman ang dahilan mo sa pagkakataong ito?"

She cleared her throat nervously and breathed slowly. "D-do I know you?" her voice croaked. Kung bakit na-intimidate siya sa estrangherong ito, hindi niya malaman. Wala siyang natatandaang nai-intimidate siya sa isang lalaki.

Subalit hindi sumagot ang lalaki. Though disbelief in his eyes, hindi siya binibitiwan nito. Bumaba-taas ang mga mata nito sa mukha niya.

"Look," wika niya uli, a bit composed this time. Nilagyan niya ng kaunting galit ang tinig. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Mister. At sana'y bitiwan mo ako para... para makahinga ako."

Subalit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Nasa isang intimate silang posisyon at sa isang pampublikong lugar. Mula sa malaking katawan nito'y pilit niyang sinisilip ang mga nasa restaurant. Subalit tila walang pakialam ang mga iyon sa kanila. Siguro'y sanay na ang mga itong makakita ng ganoong tanawin. The place was for lovers.

Lovers?

Sukat sa naisip ay bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya, against his muscular chest.

Tumikhim siya at sinikap na kumawala. "Oh, it's... it's really nice to be... in your arms..." muli siyang tumikhim at sinamahan ng ngiti ang sinasabi sa pagsisikap na i-humour ang pangyayari. "Iyon ay kung magkakilala tayo. Pero hindi kita kilala, Mister... and unfortunately, you have mistook me for someone else!"

"Nice voice," sarkastikong wika ng lalaki na binitiwan siya. It was so abrupt that she almost swayed. Mabuti na lang at naroon ang railings na kahoy sa likuran niya. "Ang akala ko'y para lang sa pagkanta ang mga voice lesson. Itinuturo din pala nila kung paano ginagawa ang bedroom voice."

Sa pagbitaw na iyon ng lalaki sa kanya ay nagkaroon ng distansiya sa pagitan nila at napagmasdan niyang mabuti ito.

"Paano kong naisip na napakaordinaryo mo?" wala sa loob na usal niya habang may paghangang tinititigan ang kaharap. Talking out loud what she thought awhile ago.

Nagdikit pang lalo ang mga kilay ng lalaki. "What?"

Her eyes widened. Half thankful na padilim na at hindi makikita ng lalaki ang pamumula niya. Tumikhim siya nang dalawang beses bago itinaas ang mukha rito.

"Look, Mister." bahagya niyang tinaasan ang boses. "Hindi kita kilala. Ito ang ikalawang araw ko dito sa Davao and I'm staying at the Hotel Victoria, you can check it out kung hindi ka naniniwala." how she gave that information ay hindi niya mahanap sa matinong bahagi ng utak niya. Somehow, subconciously, gusto niyang makatagpong muli ang lalaki sa isang magandang sirkumstansiya.

Nakita ni Lili ang pagguhit ng pag-aalinlangan sa mukha ng lalaki. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. He raised his hand and reached for her face. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi niya magawang kumilos nang maramdaman ang thumb finger nito sa may baba niya. Featherlight. Iyon lang at muli ring binawi ng lalaki ang kamay.

"I am... terribly sorry, Miss," wika nito. She noted that his voice became a little huskier. "You're right. Napagkamalan kita..."

Gusto niyang magalit kung hindi sa sinseridad ng tono nito at sa kalituhang biglang gumuhit sa mukha nito.

Nagkibit siya ng mga balikat, showing casualness na malayo sa nararamdaman. "We all make mistakes once in a while," wika niya sa pinakaswal ding tono. Nakahinga nang maluwag nang matanawan si Jose. "N-nice meeting you, Mister. Nariyan na ang guide ko."

Tumaas ang tingin ng lalaki sa hinayon ng mga mata niya. Ang paghakbang ni Jose papanhik sa hagdang bato ay napigil nang makita ang lalaki at nanatiling nakatayo na lang na tila ba naghihintay ng instruction. Kung mula kanino ay hindi nito matiyak.

Humakbang si Lili pababa. "Tayo na, Jose." bahagyang nanginig ang tinig niya. Aware siya sa mga mata ng lalaki na tila dart sa likod niya. Nakadama ng bahagyang panghihinayang at hindi man lang ito nakipagkilala sa kanya.

Kanino siya ipinagkamali nito?

"Napagkamalan din po ba kayo ni Sir Matthew, Ma'am?" basag ni Jose sa pag-iisip niya.

Nagsalubong ang mga kilay niyang napatingin sa rearview mirror. "Matthew?"

"Iyon pong kausap ninyo kanina."

"Kilala mo siya, Jose?"

"Ang pamilya po ni Sir Matthew ang may-ari ng hotel na tinutuluyan ninyo. At isa po siyang doktor. Iyon pong sa mga bata..."

"Oh." Napasandal siya nang wala sa loob sa sandalan ng sasakyan. Doctor. Pediatrician. That explained the clean-immaculate haircut. She smiled and insisted that it didn't suit him. "Napagkamalan niya ako, Jose..."

Bahagyang natawa ang guide. "Noong una kayong dumating sa hotel ay namangha din po kaming lahat. Sa biglang tingin po kasi ay kahawig ninyo si Melissa. At madilim na kanina kaya hindi kayo hustong napagmasdan ni Sir Matt."

Wala siyang masabi. Naisip ang mga matang nakatutok lahat sa kanya nang dumating siya sa hotel. Pero itinuring niya iyong ordinaryo. Sanay na siya sa mga matang nakasunod sa kanya, lalaki man o babae.

It seemed that nothing in Davao is ordinary. Not the place... and definitely not the stranger.

Wala sa loob na nahawakan niya ang bahaging dinama ng lalaki.

Her twin moles!

o-layout-grid-&:

Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed)Where stories live. Discover now