Chapter Twelve

31.6K 740 4
                                    


MAGHAPON kinabukasan ay hindi dumating si Matt. Ni hindi ito tumawag.

"If you're waiting for Matt, Lili," si Melissa mula sa likod niya. "hindi siya darating. He's in Zamboanga on a medical seminar..."

Napalingon siya mula sa pagkakapanungaw sa may malaking bintana patanaw sa driveway.

"B-bakit mo naman naisip na si Matt ang hinihintay ko, Melissa?" kaila niya.

Malakas na tumawa ang babae. Pagkatapos ay sunod-sunod ang hithit-buga ng sigarilyo.

"Don't be such a hypocrite, Lili!" wika ng babae sa mataas na tono. "Alam kong may relasyon kayo ni Matt..." ngumiti ito at nagkibit ng mga balikat. "Pero hindi ako nagseselos kung iyon ang inaalala mo. Hindi ako selosang tao at alam ni Matt iyon. I can share my man..."

Sinikap niyang itago ang inis sa tinig nang sumagot. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo..." bakit niya kailangang magkailang may relasyon sila ni Matt? Hindi ba at sinabi nitong mahal siya at pakakasalan? Oh, yes, he did. But do they really have a relation? Kinumpirma ba niya iyon sa salita?

"Oh, c'mon, Lili." lumapit sa sementadong barandilya si Melissa at naupo roon. "Si Matt mismo ang nagsabi sa aking sinabi niya sa iyong mahal ka niya at pakakasalan..."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Walang ibang tao sa paligid nang nasa hardin sa likod sila ni Matt. Kahit anino ng katulong ay wala, unless birds and crickets talked. At kahit siguro nagsigawan sila ni Matt kahapon ay hindi maririnig ni Melissa kung hindi sinabi ni Matt ang pinag-usapan nila.

A sudden anger rose her chest thinking of Matt and Melissa talking and laughing at her!

Lumapad ang ngisi ni Melissa sa ekspresyon ng mukha niya. "Alam ko lahat ang mga affair ni Matt, Lili. And I don't really mind. I have my own affairs, too." nagkibit pa ito ng mga balikat. "at alam din iyon ni Matt. What he can't tolerate ay iyong ginagawa kong pag-alis. Dahil nag-aalala siya sa kalusugan ng mga magulang ko. He considered them his second parents, you know. He practically grew up with them."

"I do not have an affair with him!" Halos sumigaw na siya.

And to think she almost believed him nang sabihin nitong mahal siya. She was filled with a helpless fury that she had this strong urge to cry.

"Ang mga sinabi ni Matt sa iyo ay sinabi rin niya sa iba pang mga naging fling niya," bale-walang sabi nito. "I knew all of them. You can ask Manang Carmelita. Tulad na lang halimbawa noong nurse sa clinic niya—"

"Please, Melissa," awat niya sa sasabihin nito sa pakunwaring kalma. "Ayokong marinig ang iba mo pang sasabihin..." gusto niyang mapahiya subalit ang tanging nakapagsalba sa pride niya'y ang hindi niya pagbigkas na mahal din niya si Matt.

"You have to," she said in a mocking tone. "Ang sinabi sa iyo ni Matt ay isa sa mga paraan to get you to bed so easily." paismid itong ngumiti. "But the way I see it, hindi kailangan ni Matt ang sweet-talks." malisyosang hinagod ang katawan niya at patuyang muling tumawa ito. "My god, kung hindi mo ako nakita sa bintana ay muntik ka nang angkinin ni Matt sa ibabaw ng bench kung hindi man sa damuhan." At sinabayan nito iyon ng tawa.

May pakiramdam siyang nag-init nang husto ang mukha niya sa kahihiyan. Gusto niya itong sampalin pero hindi niya bibigyang kasiyahan si Melissa sa pamamagitan ng pagpatol dito. Bukod pa sa pagsasaalang-alang niya sa mga magulang nito. Ginagap niya ang baston at lumakad papasok sa loob nang hawakan siya ni Melissa sa braso.

"Wala kaming pag-ibig ni Matt sa isa't isa, Lili," wika nito sa mariing tono. Ang mga daliri'y halos bumaon sa braso niya. "though we desired each other's body once in a while. Subalit kailangan naming magpakasal sa takdang panahon dahil iyon ang gusto ng mga magulang namin. Para sa papa, Matt was the son he never had. At sa bahagi naman ng Tita Veronica, kailangan ng mga Lorenzo ang suporta ng papa at mama para hindi bumagsak ang hotel na hindi naman kumikita. They are not that rich compared to the Mirandas and Alegras. And Matt couldn't afford to lose the hotel business. Ikamamatay ng Tita Veronica iyon."

Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon