Chapter Fifteen

31.5K 811 12
                                    



"BITIWAN mo ang patalim na iyan!" singhal ni Matt. Sa dalawang kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa baril na nakatuon sa ulo ng lalaki.

"Papatayin ko ang babaeng ito!"

"Kung ganoon ay patay ka rin!" Isang linya na lang ang mga mata ni Matt. "Huwag mo akong piliting kalabiting tuluyan ang gatilyo ng baril, Razon!" Naglalabasan ang ugat nito sa leeg. Hindi ito tumitingin kay Lili. Ang mga mata'y naka-focus lang sa lalaki nang walang kurap. Na para bang kapag kumurap ito'y babaong tuluyan sa leeg ni Lili ang patalim.

Mula sa pinto'y sumungaw ang dalawang pulis na nang makita sila'y itinaas din ang mga baril kay Razon. Nawalang tuluyan ang kulay sa mukha ng lalaki.

"Hindi ikaw ang kailangan ko kundi si Velasco," patuloy ni Matt, death in his eyes. "Ngayon kung susuko ka nang maayos ay mapapagaan ang kaso mo. At baka magawan ko pa ng paraang hindi ka isama sa kaso kung tetestigo ka laban sa boss mo."

"Nilalansi mo lang ako, Doctor Lorenzo!" wika nito sa nag-aalanganin at nanginginig na tinig. Muli ay tila nararamdaman ng dalaga ang pagbaon ng patalim sa leeg niya... ang hapding dulot nito. Ipinikit niya ang mga mata, held her breath and prayed.

"Kilala kita, Razon," ani Matt na ang baril ay hindi inaalis sa pagkakatutok sa lalaki. Ang daliri sa gatilyo'y unti-unting gumagalaw. Titiyaking sasabog sa ulo nito ang bala bago maibaon ang patalim sa leeg ni Lili. Kung paano'y hindi nito tiyak. "Matagal ka sa empleyo ng Tiyo Enrique sa construction site. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang inialok sa iyo ni Velasco para maging tauhan niya. Pero ito ang tinitiyak ko sa iyo, kilala ko ang mag-ina mo!"

Napasinghap ang lalaki. Nakita ni Lili ang terror sa mukha nito at pagkuwa'y bumagsak sa sahig ang batangas. Napapikit muli ang dalaga at inilabas ang hiningang pinipigil. Mabilis na nagsilapitan ang mga pulis at pinosasan ang lalaki.

"H-hindi ko siya balak patayin, Doktor. Tinatakot ko lang..." lingon ng lalaki bago ito tuluyang ilabas ng mga pulis.

Si Matt ay napaluhod sa sahig at tinitigan si Lili na nakapikit. Tumaas-baba ang dibdib. May bahagyang dugong lumabas mula sa leeg nito. Halos gustong mawalan ng malay ng binata.

"Lili, please... talk to me," he said in terrified voice. "Tell me you're not hurt and just resting..." marahas na pinaglakbay ang kamay sa buong katawan niya at naghahanap ng pinsala.

"I—I am taking back my breath slowly, Matt," wika ng dalaga na nagmulat ng mga mata. Nakita pa ang likod ng papalabas na mga pulis. "P-pinagod ako ng walanghiyang iyon. At ang kanang kamay ko'y nabali na yatang tuluyan..."

Nakahinga nang maluwag si Matt at mabilis na tumayo at umikot ang mga mata sa magulong kabahayan. "Ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon? Bakit sumakit ang braso mo?" nasa tinig pa rin nito ang terror at panic habang nagsasalita. Pinagbubuksan nitong isa-isa ang mga pinto. Ang mga mata ni Lili ay nagtatakang nakasunod dito. Isang pinto ang pinasok ng binata at narinig ng dalaga ang pagbagsak ng kung ano-anong mga bagay sa sahig. Gusto niyang tumayo upang alamin kung ano ang nangyayari subalit hinihingal at nanlalambot pa siya.

Ilang sandali pa'y lumabas si Matt. May dalang betadine, gasa, at medical tape. Lihim na napangiti si Lili. Doctor as ever.

Muling napaluhod sa sahig si Matt. "Did that bastard touch you? Saan ka nasaktan?" sunod-sunod nitong tanong habang pinupunasan ng bulak ang munting sugat niya sa leeg sa nakatiim na mga bagang.

She smiled at him. "Kung ano lang iyong dinatnan mo, iyon lang ang pagkakataong nahawakan niya ako, Matt. Sumakit ang braso ko dahil sa paghampas ko ng baston sa kanya."

Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed)Where stories live. Discover now