Chapter Four

42.7K 974 34
                                    



HINAWI niya ang kurtina sa salaming bintana at tinanaw ang buong siyudad ng Davao. Gabi na at nakikita niya ang sari-saring neon lights ng siyudad. Maliban sa country side, ang downtown ng Davao ay para ding Maynila. Ang Gaisano Mall ay walang pinagkaiba sa SM.

Of course, maliban sa amoy ng mga prutas sa ere, lalong-lalo na ang durian. She smiled at the thought, tatlong araw na siya rito sa Davao at sa unang araw pa lang ay bumili agad siya ng durian. She promised herself na mag-uwi ng isang kahong durian sa pag-uwi niya sa Maynila.

Nang mula sa kung saan ay pumasok sa isip niya ang nakatagpong lalaki sa Hilltop. Matthew. Iyon ang pangalang sinabi ng guide. Dr. Matthew Lorenzo. A gorgeous doctor. She never thought that doctors are gorgeous.

Pero kamukha nga ba niya ang Melissa na sinasabi ni Jose?

Humugot siya ng malalim na paghinga. Ibinaba ang kurtina. Alas-otcho-y-media na ng gabi. Nagdadalawang-isip siya kung maghahapunan sa ibaba o hindi na. Hindi naman siya nakakaramdam ng gutom. Isa pa'y late na marahil para sa hapunan.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may kumatok. Humakbang siya patungo sa pinto at binuksan iyon.

"Yes?" then she took a soft gasp nang makita kung sino ang nasa harap ng pinto.

Ang lalaki sa Hilltop. The doctor himself. May hawak na tray ng pagkain. "Hi," nakangiting bati nito. Namangha si Lili sa ngiting iyon. Kanina sa Hilltop ay galit at panunuya ang nasa tinig nito, maliban na lang siyempre nang mapagtanto nito ang pagkakamali. His teeth were too perfect, she thought dreamily. White... and strong. Pang-commercial.

"I had this feeling na para akong specimen sa ilalim ng microscope." lumapad ang ngiti nito.

Umikot ang mga mata ng dalaga. Specimen...microscope. Speaking of doctors!

"Hi yourself," sagot niya. Sa distansiya nilang dalawa na halos tatlong dangkal ay mas nalalanghap niya ang musky cologne nito kaysa sa pagkaing nasa tray.

"Hindi mo ba ako papapasukin? I've been waiting for you to come down para sa hapunan mo. Nainip ako so I decided na dalhan ka ng pagkain."

Papapasukin? Gusto niyang ma-shock. This man was a virtual stranger. For all she know ay baka rapist ang doktor na ito. Sinaway niya ang sarili sa naisip. At tinitigan uli ang lalaki. Mukha itong waiter na nagdadala ng room service meal. Hindi bagay. She suppressed a smile at the thought. "I—I'm alone here..." bahagya niyang nilingon ang silid.

Lumapad ang ngiti ng lalaki. "Don't I know that? You need not fear. I am harmless."

Tumaas ang kilay ni Lili roon kasabay ng paglitaw ng tipid na ngiti na agad na itinago sa pamamagitan ng pagyuko sa tray na hawak nito.

Harmless? This man, no doubt was more dangerous than the eighteen-foot crocodile na nakita niya sa park kanina.

Sinundan ni Matthew ang tingin niya. "Hotel's compliment and my way of saying I'm sorry for jumping up on you like that this afternoon."

Nag-aalangan siya kung papapasukin sa loob ng silid niya ang lalaki. Masyadong intimate ang magiging dating niyon. Pero bago siya nakapagdesisyon kung ano ang gagawin, humakbang papasok si Matthew at tuloy-tuloy sa loob ng silid. Ipinatong nito sa naroong mesa ang hawak na tray. Pagkatapos ay nilingon siya.

"Kung wala kang tiwala sa akin," amused nitong sabi sa kanya na nanatiling nakatayo sa may tabi ng pinto, "you can leave the door open."

Bahagya siyang napahiya. Banayad na isinara ang pinto at humakbang palapit dito. Sinulyapan ni Lili ang pagkain sa tray at noon lamang napag-ukulan ng pansin ang laman niyon.

Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed)Where stories live. Discover now