Epilogue

763 33 7
                                    

  ◇◇◇

Jisoo's POV

1 year later

"Saan mo nanaman ba ako dadalhin? Tigilan mo na ko sa mga pa-secret mo na yan baka mamaya dalhin mo ko sa warehouse tapos itali mo ko sa upuan sa gitna." Agad kong sabi kay Taehyung.

May pupuntahan nanaman daw kami, ang dami ko pang gagawin. Maglalaba pa ko ng damit ko.

"Relax ka lang kasi." Sabi naman niya sakin.

"Paano ako magrerelax eh feeling ko kinikidnap mo ko?" Tanong ko.

"Pag di ka tumahimik doon kita pasasakayin sa trunk." Banta niya kaya nanahimik nalang ako.

Nakakainis naman. Ganun ba kahirap i-reveal yung pupuntahan namin?

Ganun ba ka-surprise yun?

Grabe naman. Di na natigil pag-surprise niya sakin. Feeling ko may birthday party nanaman kahit di ko pa birthday.

May nakita akong isang parang gate na may guard house. Huminto muna si Taehyung at binuksan yung bintana niya.

"Kayo po pala yan sir. Pasok po kayo." Sabi nung guard.

Anong ginagawa namin sa Subdivision?

Tsaka bakit kilala nung guard si Taehyung?

Huminto na kami sa tapat ng isang malaking bahay.

Ang ganda nung bahay grabe. Ang saya siguro tumira diyan.

Hinawakan ni Taehyung yung kamay ko habang papalabas at pumasok kami na magkahawak pa rin yung kamay namin.

May susi pala siya nung bahay.

Pagpasok namin, hindi pa gaanong fully furnished yung bahay. May mga konting gamit na pero wala pa masyadong decor tsaka appliances.

"Siyempre gusto ko na ikaw yung pipili nung mga ibang gamit dito." Sabi niya.

Wait, so ibig sabihin.

"Bahay natin 'to??" Gulat na tanong ko pero di naman niya ako sinagot.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko at umakyat kami sa second floor.

Binuksan niya yung isang kwarto na may cute na pink na wallpaper.

"Dito yung magiging anak natin na babae. Bumili na ako ng ibang laruan para malagay agad dito." Sabi niya habang nililibot namin yung room.

"Sa kabila naman yung para sa anak nating lalaki." Sabi niya at pumunta kami sa katabi nitong kwarto.

Yung dalawang kwarto may isang pintuan sa gitna, kaya madali lumipat sa kabila.

Dinala naman niya ako sa isa pang kwarto.

"Siyempre ito yung kwarto natin. Nilagyan ko na ng sofa para pwede pa rin tayong matulog sa isang kwarto." Sabi niya.

Natawa naman ako at umupo ako agad dun sa sofa. Ang lambot kaya masarap higaan.

"Tara dun tayo sa garden." Sabi niya kaya bumaba nanaman kami at tumungo sa garden.

Sa garden makikita mo yung view ng labas pati nung buong bahay.

May nakita ako na isang pamilyar na bulaklak.

"White Chrysathemum." Sabi ko habang tinitignan yung bulaklak.

Pinitas ulit yun ni Taehyung at inilagay sa ibabaw ng tenga ko.

"Symbolizes devoted love and loyalty." Pagpapatuloy niya.

May kinuha pa siya sa bulsa niya. Pagkakita ko, hawak na niya ang isang necklace.

Nakangiti siya sa akin habang isunusuot niya yun sakin.

"Ayan yung kwintas na binigay sa akin ng mama ko, ibigay ko daw yan sa babaeng makakatuluyan ko. Ayan din yung kwintas na nawala mo pero buti nalang nahanap ko." Sabi niya.

Natawa nalang ako habang tinitignan yung necklace. Ang ganda nung pendant at mukhang mamahalin talaga kaya dapat ingatan ko 'to.

"Sana nagustuhan mo yung bahay. Alam kong gusto mong magkaroon ng sarili mong bahay kaya naman pinagipunan ko 'to para sayo, para sa atin."

Umupo kami sa mga garden chairs doon at saka niya ako inakbayan habang nakaunan ako sa balikat niya.

"Welcome home, Jisoo." Sambit niya.

The End

◇◇◇

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon