[14]

597 30 4
                                    

—:—
Jisoo's POV

WOW, as in wow talaga.

Kakauwi ko lang ngayon, sa bahay ni Taehyung siyempre. Akala ko nga nandun na siya eh, pero wala pa rin.

At hindi pa rin ako nawawalan ng pagasang babalik siya.

Binilhan ako ni Yoongi kanina ng mga damit na isusuot ko, dahil nga secretary na daw niya ako.

Bakit naman bigla bigla akong nagkaroon ng trabaho? At bakit secretary agad? At ano bang ginagawa ng secretary?

Bukas daw magsisimula na ko, tapos mataas na daw agad sweldo ko.

Hindi ko talaga maintindihan si Yoongi.

At eto pa, binilhan niya ako ng cellphone, sim card at memory card.

Pati laptop.

I mean, juskolord hindi ko naman akalaing makukuha ko lahat ng 'to.

"Yoongi, hindi mo naman 'to kailangan gawin." Sabi ko sa kanya.

"Jisoo hayaan mo nalang ako, para sayo din 'to." Sagot ni Yoongi.

"Magpahinga ka, susunduin kita dito bukas." Sabi niya bago lumabas ng bahay.

Naiwan akong naguguluhan pa rin habang nakabantay sa pinto.

Ano bang nangyayari?

Ang gusto ko lang naman ay makausap si Taehyung bago pa ko tuluyang umalis.

Pero instead dumating si Yoongi at nagbago na ang mga plano ko.

Siguro ito na rin ang new life, new life kung saan hindi ko na kailangan magpakalayo, at hindi ko kailangan mamuhay sa sarili ko.

Naawa ba si Yoongi sakin kaya niya ginagawa 'to? Ganun ba ko kaawa-awa?

Sinara ko na yung pintuan ng bahay at tinignan ko na yung mga bago kong gamit. Ilang paperbag at shoebox na puro damit, may mga makeup din na pinapili ni Yoongi sa mga assistant niya, at tinuruan ako nung mga babae sa mall kung paano magmakeup, may shoes din at hindi ako kumportable dahil high heels ang mga ito.

May bago din akong cellphone at laptop at iba pa daw ang laptop na 'to sa computer na gagamitin ko sa office.

At simula daw bukas ay palagi na kaming magkakasama ni Yoongi sa trabaho, dahil ang trabaho ko daw ay palaging bantayan si Yoongi at samahan siya sa mga trabaho niya.

Pero wala pa rin akong ideya kung ano ba dapat ang gawin ko.

[THE NEXT DAY]

Nagulat ako at nagising ako agad dahil ang lakad pala ng tunog ng alarm ng phone ko.

Eh hindi naman kasi ako sanay na may alarm, sanay ako na nagigising nalang.

Tinignan ko yung oras, 6:00 palang pala, maaga pa. Pwede pa naman akong matulog.

--

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon