[5]

877 42 6
                                    

—:—

Ilang linggo na rin ang nakalipas, medyo okay na yung pakiramdam ni Jisoo at madalang nalang siya dalawin ng sakit ng ulo.

Marunong na rin siyang magluto ng ham, bacon, at ngayon tinuturuan siya ni Taehyung magsaing.

"Ayan, hintayin mo hanggang sa kumulo." Sabi ni Taehyung at iniwan niya muna si Jisoo sa kusina dahil nagwawalis siya.

"Eh kung ako na kaya magwalis, ikaw sa luto?" Tanong ni Jisoo.

"Sigurado ka ba? Marunong ka bang magwalis?" Tanong ni Taehyung.

"Oo naman, palagi kaya kitang pinapanood sa mga ginagawa mo dito. Nakakahiya naman kasi, nakikitira lang ako pero wala akong ibang ginawa bukod sa manood ng Moana." Sagot ni Jisoo.

Natawa si Taehyung at kinuha yung dustpan at tsaka inabot yun kay Jisoo kasama nung walis.

"Sige nga, ikaw magwalis, ako magluluto." Sabi ni Taehyung at pumunta na sa kusina.

Nakangiti si Jisoo habang sinusundan yung ginagawa ni Taehyung palagi kapag naglilinis siya. Habang si Taehyung pinapanood lang siya habang hinihintay maluto yung kanin.

Nang matapos ni Jisoo walisin yung bahay, agad siyang pumunta kay Taehyung na naghahain na.

"Wow, sinigang." Sabi ni Jisoo habang tinitignan yung ulam sa mesa.

"Oo, masarap iyan kasi ako nagluto niyan. Tara kain na tayo." Sabi ni Taehyung at umupo na sila para makakain.

Kinagabihan, nag-request si Jisoo kung pwede ba silang manood ni Taehyung ng show sa sala. Wala rin namang magawa si Taehyung kaya pumayag nalang siya.

Nanonood sila ngayon ng W.

"Ang gwapo naman ni Kang Chul." Sabi ni Jisoo habang nanonood.

"Mas gwapo ako." Biro ni Taehyung.

"Diwaw." Sabi ni Jisoo at nanood nalang.

"Ang cute naman nila, namamasyal, bibili ng ice cream tapos sasakay ng bike. Buti hindi sila natutumba." Sabi ni Jisoo.

"Gusto mo bilhan kita ng ice cream?" Tanong ni Taehyung.

Agad na napangiti si Jisoo at tumingin siya kay Taehyung.

"Talaga?" Excited na tanong ni Jisoo.

Tumango si Taehyung.

"Bukas, mamamasyal tayo." Sabi ni Taehyung.

Nakaramdam si Taehyung ng antok pero ayaw pa niyang umakyat sa kwarto niya, si Jisoo naman nanonood lang ng W at nang matapos iyon, napatingin siya kay Taehyung na nakayuko na at tulog na.

Napangiti si Jisoo at inalalayan si Taehyung para makahiga siya ng maayos, kinumutan niya si Taehyung at kinuha naman niya yung isa pang kumot at nilatag yun sa sahig at pinatungan ng iba pang unan, doon na siya natulog.

[THE NEXT DAY]

Paggising ni Taehyung, nagulat siya kasi hindi niya alam na nakatulog na pala siya sa sala. Tumayo siya agad at niligpit yung sofa.

Find My Way Home Where stories live. Discover now