[12]

530 30 2
                                    

—:—

Jisoo's POV

May natira pa saking pera galing kay Jin dahil hindi naman ako gumagastos.

Naalala ko pa yung directions papunta sa bahay ni Taehyung kasi hindi rin naman yun ganun kalayo sa bahay ni Rose. Sumakay ako ng taxi at gina-guide ko nalang yung driver.

Hindi ako baliw at hindi ako titira ulit sa bahay niya. Gusto ko lang talaga siya makausap. At umalis na din ako sa bahay nila Rose dahil simula ngayon mamumuhay na ako magisa.

Pagkababa ko ng taxi, naglakad na ako palapit sa bahay niya. Kinakabahan ako sa mga mangyayari dahil baka ayaw niya ako kausapin.

Nakarating na ako sa pinto pero wala pa rin akong lakas ng loob kumatok.

Inabot pa ako ng ilang minuto bago ako tuluyang matauhan at kumatok na ako sa pinto.

Pero walang sumasagot.

"T-Taehyung? Si Jisoo 'to. Gusto ko lang makipagusap." Panimula ko.

"Taehyung hindi ako narito para guluhin ka ulit. Gusto ko lang talaga makipagusap. Please Taehyung hayaan mo ko. Gusto kong makipag-ayos."

"Taehyung buksan mo naman 'tong pinto. Alam kong galit ka pero pangako hindi na talaga ako magpapakita pagkatapos ng araw na 'to. Pupunta ako sa malayong lugar at magsisimula ako ulit. Gusto kong kausapin ka bago ako umalis."

Unti-unti nang tumulo ang luha ko.

"T-Taehyung parang awa mo na. Magusap tayo." Hirap na akong magsalita dahil hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sipon ko.

Mukhang walang tao, o baka may tap pero ayaw lang talaga akong kausapin.

Ganun ba katindi galit nya sakin?

Napahawak ako sa doorknob at inikot 'to. Napansin kong hindi nakalock ang pinto at nabuksan ko ito agad.

Pagpasok ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Magulo ang paligid.

Nagkalat ang mga unan ng sofa sa sahig. May mga basag na pinggan din sa sahig. May natapon na tubig at ang ibang mga gamit ay nabagsak din.

Anong nangyari?

"Taehyung?" Tawag ko pero wala pa rin akong kausap.

Baka may nangyaring masama kay Taehyung.

Napilitan akong umakyat ng second floor at binuksan ang kwarto niya pero wala siya doon. Binuksan ko lahat ng pinto sa second floor pero wala siya doon.

Wala si Taehyung dito?

Saan siya nagpunta?

May kumuha ba sa kanya?

Naguguluhan na ako. Nagaalala ako na natatakot na hindi ko alam. Hindi ko maiwasang magisip ng madama dahil alam kong hindi maganda ang nangyayari kay Taehyung.

Sa loob ng tatlong araw na wala ako ganito ang nangyari.

Gulo-gulo rin ang kwarto ni Taehyung. Hindi ko alam na ganito ang itsura niya sa unang pagkakataong makikita ko siya.

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon