[13]

538 34 6
                                    

—:—

Jisoo's POV

Pagmulat ng mga mata ko, inaasahan kong nakita na ni Taehyung ang sulat ko at yung mga pagbabagong ginawa ko sa bahay niya.

Pero hindi man lang nagalaw yung letter na sinulat ko kagabi.

At hindi bawa yung ulam na itinabi ko para sa kanya.

So ano yun, hindi siya umuwi?

Nag-overnight sa office?

Asan na ba kasi yun?

Dahil hindi naman nakain yung tinabi kong hotdog para sa kanya, ako nalang ang kumain. Yun ang inulam ko for breakfast.

Hindi ako makakaalis ng maaga, kasi nga sabi ko diba kailangan kong makita si Taehyung bago ako umalis.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast, lumabas muna ako ng bahay para bumili ng softdrinks.

Huwag kayong maingay, kumuha ako sa piggybank ni Taehyung hehehe.

Habang naglalakad ako papuntang tindahan, di ko naman inaasahang makita yung GGSS kong kaibigan.

"JIN!" Sigaw ko.

Napalingon siya sakin at nang makita niya ako ay ngumiti siya at nilapitan ako.

"Akala ko ba hindi ka na babalik?" Tanong niya.

"Bumalik lang ako dahil gusto ko magpaalam sa inyo. Magpapakalayo muna ako." Sabi ko.

"Ibig sabihin ba, aalis ka na talaga?" Tanong niya.

"Oo, parang ganun na nga." Malungkot na sagot ko.

Memorable pa rin sakin ang lugar na 'to dahil nandito ang unang bahay na tinirhan ko at dito ako nagkaroon ng mga kaibigan.

"Magiingat ka palagi ha." Sabi niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Saan ka nga pala pupunta?" Tanong niya.

"Bibili lang ako ng softdrinks." Sagot ko at naglakad na kami papuntang tindahan hanggang sa makarating kami.

"Paano ka? Sinong kasama mo?" Tanong niya habang umiinom kami ng softdrinks sa upuan sa tindahan.

"Bahala na." Sagot ko.

"Asan ba yung pamilya mo?" Tanong niya.

"May kasalanan ako sa kanila na hindi ko alam. Kung ayaw na nila sakin edi hahayaan ko sila. Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko.

"Jisoo ang pamilya ay pamilya." Sabi niya.

"Jin, nagising ako na wala akong pamilya, nabuhay ako kahit wala akong pamilya. At mabubuhay ako kahit wala sila." Sagot ko.

"Paano si Taehyung?" Tanong niya.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman.

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon