[11]

581 30 0
                                    

—:— 

Jisoo's POV

Kinagabihan, nabore ako kaya lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Ate Gina sa kusina na nagluluto ng hapunan.

"Malapit na pong maluto ito ma'am. Nagugutom ka na ba?" tanong niya nang makita niya ako.

Umiling lang ako at nagpaalam na lalabas muna ako.

Mas gusto kong lumabas ngayon. Siguro kasi nung nasa bahay pa ako ni Taehyung hindi ako makalabas. Gusto kong makita yung paligid.

Nakarating ako sa isang lugar na may upuan kaya naupo muna ako dun at nagisip-isip.

Minsan napapaisip nalang ako kung ano bang gagawin ko sa pamilya ko. Kung sasabihin ko ba yung totoo o hahayaan ko nalang sila.

Kasi naman eh, ano ba kasing pinaggagagawa ni Hyejin. Ayan tuloy nahihirapan na ako.

At hindi ko pa rin talaga malaman kung ano yung mga nangyari nung mga panahong naaksidente ako.

Nakaupo pa rin ako dito kahit malapit na mag-8 ng gabi. Wala akong pakielam kung hanapin nila ako sa bahay. Sinabi ko naman kay Ate Gina na babalik ako eh.

Tatayo na sana ako pero nakarinig ako ng mahinang putok. Akala ko galing sa baril kaya medyo nagpanic ako.

Pero napatingin ako sa langit, fireworks pala.

Naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko. Naaalala ko yung gabing kasama ko sa Enchanted Kingdom si Taehyung at nanood kami ng Fireworks Display. Ang saya ko nung mga panahon na yun.

Sana andito din si Taehyung sa tabi ko at sabay din kaming manood.

Bakit ganun? Kapag nakakakita ako ng Fireworks sumasaya ako. Ang ganda ganda ng langit kapag may fireworks. Pero ngayon umiiyak ako, malungkot ako.

Pinunasan ko yung luha ko at sinubukang ngumiti kahit sa mga panahon na 'to tanging si Taehyung lang ang iniisip ko.

Namimiss ko na si Taehyung.

Pagkatapos magbigay liwanag ng kahuli-huling fireworks sa langit, tumayo na rin ako at naglakad pauwi.

Pagbalik ko sa bahay nila Rose, nandun na pala sila.

"Hyejin, saan ka nanggaling?" Tanong ni Rose.

"Um, lumabas lang ako saglit." Sagot ko.

"Okay ka lang ba? Nagugutom ka na ba? Kakain na tayo." Sabi naman ng mama ni Rose.

"Ayos lang po ako. Tara na po kumain na tayo." Yun nalang ang sinabi ko at dumiretso na sa dining room.

Pagkatapos kumain, as usual nanonood lang ako ng TV sa kwarto ko. Wala naman ako masyadong magawa.

Sa bahay ni Taehyung masaya kasi minsan din naglalaro kami ng boardgames ni Taehyung kaso lagi akong talo. Minsan napapaisip nalang ako kung dinadaya ba niya ko.

Ayoko namang sabihin na ang boring dito sa bahay nila Rose. Siguro mas masaya lang sa bahay ni Taehyung.

Kumuha ulit ako ng papel at ballpen at umupo ako sa table.

Ang dami ko rin kasing gustong sabihin kay Taehyung kaya siguro okay din na isulat ko.

March 26, 2017

Dear Taehyung,

    Kamusta ka na? Okay ka ba diyan? Di ka ba nagugutom? Luto ka nalang ng tuyong laway kapag nagugutom ka. Musta na yung goldfish mo? Pinapakain mo ba?

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon