[10]

689 38 1
                                    

—:—

Jisoo's POV

So wala na akong ideya kung saan ako pupulutin ngayon. Alangan namang puntahan ko uli si Taehyung diba?

At hindi ko din alam kung papaano puntahan si Rose.

Ay wait.

Naalala ko na pala.

Madalas kasi akong pumunta sa bahay niya dahil ayokong umuwi sa amin dahil papagalitan lang ako ng magulang ko or kakamustahin ang studies ko.

May sukli pa akong five hundred at pwede kong gamiting pamasahe yun, nag-abang ako ng tricycle dito sa may labas labas at pagkasakay ko, agad kong sinabi yung lugar nila Rose.

Pagbaba ko, napangiti ako agad dahil di ko akalaing mapupuntahan ko 'to ulit.

Kamusta na kaya si Rose ngayon?

Agad akong nagdoorbell at naghintay sa labas, ang nagbukas ay yung kapatid ni Rose.

Mukhang di niya pa ko nakilala at tinignan niya pa ko ng mabuti. Pero sa tingin ko ngayon alam na niyang ako si Hyejin.

"Hyejin, ikaw nga! Pasok ka." Sabi ni Joy.

Napangiti ako at pumasok sa gate, kasama din namin minsan si Joy sa mga kalokohan namin.

"Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang dumalaw?" Tanong niya habang papasok kami.

"Ahh kasi ano.." Naputol yung sagot nang marinig ko si Rose.

"Hyejin!" Sigaw niya at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik.

"Kamusta ka na? Sinabi na sakin ni Yoongi lahat." Nakangiting sabi niya sakin at pinaupo na niya ko sa sala.

Magkakilala sila ni Yoongi?

Naupo si Rose sa tabi ko habang kumuha si Joy ng juice.

"Hyejin, naiintindihan ko kung hindi mo ako masyadong naaalala, pero ano ba talagang nangyari sayo?" Tanong niya.

"Rose, pakipaalala sakin kung sino ba talaga ako. Pakisabi sakin lahat ng kailangan kong maalala kasi hindi ako matahimik." Sabi ko.

Huminga ng malalim si Rose bago magsimula, mukhang mas kilala pa niya ako kaysa sakin.

"Minsan mo nang kinwento sakin noon na gusto mo na dito tumira, dahil ayaw mo na sa pamilya mo dahil pakiramdam mo hindi ka na nila mahal, yun din ang rason kung bakit sinagot mo yung manliligaw mo, dahil gusto mo ng pagmamahal."

"Pero Hyejin, I think I am not the right person para ipaalala sayo lahat. Oo bestfriend kita pero mas maganda kung sa ibang tao mo makukuha ang nawala sayo."

"I'm always here for you Hyejin. Sabihin mo lang kung may kailangan ka." Nakangiting sabi niya.

Napabuntong hininga lang ako. Ganito ba talaga kahirap ang amnesia? Di ko kasi maimagine dati pero ngayon halos ikabaliw ko.

Doon muna ako nakitulog sa kanila dahil wala akong matuluyan, wala rin naman akong bahay na extra o kung ano man.

Pumayag naman si Rose, at sinabi niyang pwede daw ako doon hanggang kailan ko gusto.

Find My Way Home Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon