[24]

433 27 5
                                    

—:—
Jisoo's POV

Madaling araw nang magising ako at hindi naman ako makatulog ulit kaya lumabas nalang ako ng bahay.

Actually parang namimiss ko na matulog sa sofa ni Taehyung. I mean ang lambot kasi doon tapos ang dami dami ding unan.

Tapos namimiss ko na rin kumain ng tuyong laway kasama si Taehyung.

Namimiss ko na rin sila Rose, si Jin, si Lisa.

Kamusta na nga pala yun?

Naalala ko nanaman yung Jennie na yun. Hay di ko alam kung bakit naiinis talaga ako dun eh.

Pagbalik ko sa loob ng bahay, nakita ko si Yoongi na nagluluto.

"Good Morning. Pwede ba akong sumama sayo sa work?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sakin at nagisip isip. Sana naman pumayag siya, wala siyang sexytary ng ilang araw. Namimiss ko na rin yung computer ko doon. Naglalaro lang naman ako ng games doon eh.

"Sige, pero hindi ka magtatrabaho." Sagot niya.

Ha? Bakit naman hindi?

Eh diba secretary niya ako? So anong gagawin ko?

"Pagkatapos nating kumain maligo ka na agad." Sabi niya sakin habang naglalagay ng kanin sa pinggan.

Tumango ako at nagsimula na rin kaming kumain. Ang sarap lagi ng luto niya.

Ginawa ko naman yung sinabi niya. Pagkatapos kong kumain tinulungan ko lang siyang magligpit ng pinagkainan kahit palagi niyang sinasabi na kaya na niya kahit di nako tumulong, tapos naligo na rin ako at siniguro kong maganda yung sinuot kong damit.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko siya na nakabihis na at nagaayos ng necktie.

Naninibago pa rin ako kapag nakikita ko si Yoongi na ganyan. Nung highschool kami halos wala siyang pake kung madumi ba ang damit niya o maayos ba.

Pero ngayon mas nakikita kong nagiging mas maayos na ang buhay niya. At hindi niya ako sinukuan kahit pa walang may alam kung magigising pa ako.

Hindi niya rin ako sinukuan nung mga panahong hindi ko kilala ang sarili ko. Silang dalawa ni Taehyung ang tumulong sakin na magsimula ulit.

"Bakit nakangiti ka diyan? Gwapo ako diba?" Tanong niya. Di ko naman namalayan na nakangiti pala ako.

"Hindi mo linya iyan. Tara na umalis na tayo." Natatawa kong sabi at lumabas na kami.

Sandali lang naman ang byahe kaya nakarating agad kami. As usual binabati nanaman siya ng mga employee.

Pero nagulat ako

Nakita ko si Jennie.

Si Jennie ba yun?

"Buti naman nagtrabaho ka din. Alam mo bang ilang araw ka nang hinahanap ng mga investors?" Mataray na tanong niya kay Yoongi.

Wow. Sino siya para pagsalitaan ni Yoongi ng ganyan?

"Tumahimik ka kung ayaw mong sisantihin kita. Gawin mo ang trabaho mo at wala doon ang magsalita ng ganyan sa boss mo." Sambit naman ni Yoongi.

"Welcome back Jisoo. Ang tagal nating di nagkita ah." Sabi ni Jennie sakin.

"Oo nga eh. Hi." Sagot ko nalang.

Wala ako sa mood makipagusap sa kanya. At tsaka naguguluhan pa ako kung bakit siya andito.

"Lahat ng trabaho mo, si Jennie na ang bahala. Magrelax ka nalang dito at gawin mo lahat ng gusto mo." Sabi sakin ni Yoongi.

Find My Way Home Where stories live. Discover now