Chapter 38

114K 1.6K 154
                                    




This chapter is dedicated to XYZLJS02

Para sa'yo 'to at salamat sa pagbabasa! Enjoy Reading!


.•*•.

Our most memorable date ended with kuya introducing his girlfriend.

Tignan mo nga naman. Nasa date din pala si kuya at nagkaroon agad ng girlfriend. Pag-uwi namin ay ando'n na sila sa bahay. Sinabi ko na lamang kag kuya na nagkasalubong kami ni Dylan sa baba nung magtanong ito kung bakit kami sabay.

Umalis na agad si Maddie kasi balak lang talagang ipakilala ito ni kuya sa'kin. Hindi siya kagandahan. She had an average beauty but top notch kindness and gentleness. At least that's how far I thought of her in first meeting.

Hindi nahirapan si kuya kilalanin at pakibagayan si Maddie kasi classmate din niya ito no'ng college gaya ni kuya Randell. Sa reunion ulit sila nagkita at do'n na nga nagsimulang manligaw si kuya.

"Siya na ba ang ina ng panganay mo?" Kakalabas niya lang sa banyo matapos maligo ng magbiro ako.

Kumunot ang noo niya. "Pinagsasabi mo dyan, MaiMai?"

"Diba sabi mo puro anak ka lang. Walang asawa at tatlong panganay ba? Don't deny, kuya, sinabi mo 'yon."

"Ewan ko sa'yo." Binato niya sa'kin ung twalya na ikinatili ko. Basa kasi.

Nagtama ang paningin namin ni Dylan na sa hindi ko malamang dahilan ay ikinapula ng aking mukha. Ibinato ko pabalik ang twalya na nasalo niya.

That midnight, Dylan went into my room and we made love. I was so exhausted and tired that I got lazy for work. Hindi tuloy ako pumunta sa ospisina. Gustuhin ko mang 'wag magtrabaho pero naghahabol ako ng target kaya home based muna 'ko ngayong araw. Habang nagta-trabaho ay napapatingin ako sa kahon kung sa'n nakalagay ung wristband. Katabi nito ung crystal flower.

He kept the his other pair in a similar box.

Last night, he was so insatiable. Muntik na 'kong di makasabay. I couldn't believe we did it that long and many times while suppressing a sound.

Late narin ako nagising. Dylan was gone when I woke up. That's understandable 'cause he needed to go back before kuya awoke. However, he's not at home too when I got out of my room.

Medyo nalungkot ako nang di siya makita kinaumagahan pero nawala 'yon ng magtext siya na pumunta na siya ng trabaho.

Si kuya ay agad ding umalis. Ang agang manligaw. Sana lamang ay si Maddie na ang makatuluyan niya at hindi matupad ung tatlong panganay na plano niya no'n. I also wished him true happiness.

By noon, I got an unexpected visitor. Gulat na gulat ako nung una pero napalitan ito ng saya agad. I launched myself to hug him.

"Kuya Randell!" Natatawa siyang niyakap ako pabalik. "It's so good to see you."

Pinapasok ko muna siya at pinaupo sa sofa. I also gave him juice and a slice of cake that Maddie brought last night.

"How are you, Iara?"

"Okay lang ako, Kuya Randell." Masaya kong sabi. "Ikaw? Kamusta ang buhay may asawa?"

"So far so good."

Sa paraan ng pagkakasabi niya ay kitang kita ko talagang masaya siya.

"Hinahanap mo ba si Kuya Icio? He's not here. May date siguro sila ni Maddie."

The Virgin Lies (Published under LIB)Where stories live. Discover now