Chapter 3

173K 4.2K 320
                                    




Saglit akong napahinto sa pagsubo nang marinig ko ang sinabi ni kuya. Napapikit nalang ako ng mariin at pinagpatuloy ang pagkain. Habang patuloy siyang nagkwe kwento ay pahirap ng pahirap ang pagpapanggap na ginagawa ko.

Gosh!

Halos hindi ko na magalaw ang mukha ko sa pagkakayuko. Hindi ako makatingin sa kanila. I cannot believe that I am here, sitting in front of the large table with Dylan and his family while my oh so great big brother babble anything and everything about me and my life.

Hindi ba napakaganda?

Ang plastik ko.

Si tito David nasa ulunan ng lamesa. Nasa kanan niya si tita Anastasia na katabi si kuya Randell, si Dylan tapos ang bunso nila na si Miracle.

Nasa kaliwa ni tito si kuya tapos ako. Katapat ko ang lalaking iniiwasan ko. I'm not sure if it's a good thing or what.

Of course it's a bad thing. It's unfortunate!

"Ngayon palang po ay nagpapasalamat na 'ko sa pagpapatuloy niyo sa kapatid ko at hihingin narin po ako ng paumanhin in advance. She likes to read books. Lagi siyang nagkukulong sa kwarto niya para lang magbasa kaya pagpasensyahan niyo nalang po kung medyo may katamaran itong si Iara."

"Don't worry about that, dude. You're one of my closest and true friends. My family and I will take care of her. Ganyan rin naman si Miracle. We always have to force her to do something."

"Kuya Randell!"

"We also have maids to do the chores." Segunda ni Tita.

"Nakakahiya naman po. Pwede naman pong mag-assign kayo ng gawaing bahay sa kanya. Kahit paghuhugas lang ng pinggan."

Oh my gosh! Nilalaglag na nga niya 'ko, binabagsak pa ng bongga. Hirap nga akong kumilos para sa'min ni papa tapos dito pa!

Ugh! Gusto ko siyang sakalin. Stay calm, Iara. Stay calm. Think happy thoughts.

Shit! Ang hirap. Lalo na't ramdam ko ang mga tingin ng taong kaharap ko ngayon. His gaze was so intense that I can't even focus on my brother's attempt to embarrass me more.

"She can't sleep with lights on so she don't use much electricity."

Oh My God! This is not happening. This is so embarrassing. Stop it, kuya Icio! Humigpit ang kapit ko sa kutsara't tinidor dahil nangangati ang mga kamay ko na hambalusin siya pero kailangan kong panatilihin ang posture ko. I'm a graceful, fine and well-mannered lady.

"Minsan may pagkamataray din itong kapatid ko. Hindi halata kasi parang manang—"

"Kuya!" mabigla sila pati ako nang bigla akong sumigaw. I immediately masked it with a sweet smile and wrapped my arm around his. "Kuya naman. Baka bigla nila akong palayasin dito kapag kung anu ano ang sinasabi mo. Hinay hinay lang."

I giggled trying to be sweet. Laking ginhawa ko ang makitawa sila sa'kin pero hindi ko nakalimutang pasimpleng palakihan siya ng mga mata habang sinusubuan siya ng karne na nakatusok na sa kanyang tinidor.

"Sweet din ang kapatid ko hindi po ba?" Ani ni kuya.

Matamis muli akong ngumiti sa mga magulang ni Dylan. 'Yan dapat ang mga sinasabi ni kuya. Dapat pala in-orient ko siya bago kami pumunta dito.

Bago ko ipagpatuloy ang pagkain ay bigla akong napabaling sa direksyon ni Dylan. He was already looking at me and I shivered on how intense it was.

The Virgin Lies (Published under LIB)Where stories live. Discover now